July 12, 2026

Home BALITA

Sen. Chiz, 'di ginustong maging presiding officer ng impeachment trial

Sen. Chiz, 'di ginustong maging presiding officer ng impeachment trial
Photo Courtesy: Chiz Escudero (FB)

Nagbigay ng paglilinaw si Sen. Chiz Escudero kaugnay sa pagkakatalaga sa kaniya bilang presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa special episode ng podcast niyang “Chiz Wiz” nitong Linggo, Hulyo 12, sinagot ni Escudero ang mga tanong kaugnay sa impeachment trial, kabilang na rito ang kuwento sa likod kung paano siya naging presiding officer.

Binigyang-diin ni Escudero na hindi raw niya ginustong pangunahan ang naturang paglilitis.

Ayon sa kaniya, “Hindi ko ginusto 'to. Hindi ko hiningi 'to. Hindi ko hinanap ito.”

“Pero hindi ko rin tatalikuran ang iniatas na responsibilidad sa akin na tulungan ang Senado at impeachment court na malampasan itong bahaging ito ng kasaysayan,” dugtong pa ni Escudero.

National

Ex-OWWA chief Arnell Ignacio, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa ₱1.4B land deal!

Samantala, hindi naman daw nakakaramdam ng pressure ang senador sa tungkuling iniatas sa kaniya.

“Dahil bahagi lang naman siya ng trabahong puwedeng gampanan ng isang senador kung maatasan siya bilang isang presiding officer,” paliwanag niya.

Matatandaang mainit na pinagtalunan sa unang araw ng impeachment trial noong Hulyo 6 kung sino ba ang dapat manguna sa impeachment trial. 

Giit ng minority bloc, dapat itong pangunahan ni Senate President Sherwin Gatchalian bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kamara.

Maiiba lang umano ito kung Pangulo ang nasasakdal dahil Chief Justice ang tatayong presiding officer sang-ayon sa sinasabi ng 1987 Constitution.

Gayunman, naihalal pa rin ng mayorya si Escudero bilang presiding officer sa botong 12-8. 

Pinangatwiranan ni Sen. Kiko Pangilinan na wala naman umanong iminamandato ang Konstitusyon na Pangulo ng Senado ang dapat manguna sa impeachment trial kung ang Bise Presidente o iba pang opisyal ang nahaharap sa paglilitis.

Kaugnay na Balita: Gadon, kinatigan si SP Gatchalian sa desisyong maghalal ng ibang presiding officer