July 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Taylor Swift, nagbayad umano ng tinatayang ₱9.8M para sa wedding permit!

Taylor Swift, nagbayad umano ng tinatayang ₱9.8M para sa wedding permit!
Photo courtesy: via AP News

Nagbayad umano si international pop superstar Taylor Swift ng mahigit $160,000 o tinatayang ₱9.8 milyon para sa permit na kinakailangan sa pagdaraos ng kaniyang engrandeng kasal kay NFL star Travis Kelce sa Madison Square Garden sa New York City.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Just married!’ Taylor Swift at Travis Kelce, ikinasal na!

Kinumpirma ito ni New York City Mayor Zohran Mamdani matapos siyang tanungin ng mga mamamahayag kung sasagutin ba ng singer ang gastos ng lungsod para sa overtime ng mga pulis na nagbantay sa kasal.

Ayon sa alkalde, si Swift na mismo ang nagbayad para sa permit at sa kaukulang seguridad na inilaan para sa naturang selebrasyon.

“Taylor Swift has paid already the cost of the permit that was lodged, which was over $160,000 for that event and for the response to that event,” ani Mamdani.

Tsika at Intriga

Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal?

Tumagal ng dalawang araw ang kasalan na ginanap sa Manhattan at dinaluhan ng daan-daang personalidad mula sa entertainment, sports, at iba pang industriya.

Dahil sa dami ng mga bisita at sa lawak ng seguridad na inilatag, pansamantalang isinara ng mga awtoridad ang ilang kalsada sa paligid ng Madison Square Garden habang nakaantabay naman ang malaking bilang ng mga pulis upang matiyak ang kaayusan ng okasyon.

Hindi pa inilalabas ang kabuuang halaga ng ginastos para sa kasal, ngunit sa pagtataya ng Forbes magazine lumampas ito sa $20 milyon o mahigit ₱1.2 bilyon.

Bago pa man ang kanilang pag-iisang dibdib, iniulat din na nagbigay sina Swift at Kelce ng kabuuang $26 milyon sa iba't ibang charitable organizations bilang bahagi ng kanilang selebrasyon.

Sina Taylor Swift at Travis Kelce ay kabilang sa mga pinakasikat na celebrity couple sa mundo at matagal nang laman ng mga balita at social media dahil sa kanilang relasyon bago ang kanilang kasal.