‘We celebrate!’
Opisyal nang inilabas ng Kelce Brothers sa kanilang Instagram ang anunsyo ng pagpapakasal nina American singer-songwriter, Taylor Swift at American football player, Travis Kelce, noong Biyernes, Hulyo 3.
Sa nasabing post, nakasaad na si American actor-comedian, Adam Sandler ang nagsilbing officiator sa New York wedding nina Taylor at Travis.
Bagama’t wala silang naging bridesmaids o groomsmen, ang nakababatang kapatid ni Taylor na si Austin Swift ang nagsilbing Man of Honor habang ang nakatatandang kapatid naman ni Travis na si Jason Kelce ang nagsilbing Best Man.
Saad naman sa iba pang ulat ng international media, ang kasal ay “star studded” dahil sa mga dumalong Hollywood stars bilang guests tulad nina Camila Cabello, Hugh Grant, Ethan Hawke, at Jason Sudeikis.
Matatandaan namang na-engage sina Taylor at Travis noong Agosto 2025 matapos ang halos dalawang taong pagiging mag-nobyo simula pa noong 2023, na inanunsyo ni Taylor sa kaniyang concert sa Argentina.
MAKI-BALITA: ‘It’s a love story, Taylor just said YES!’ Ang “love story” nina Taylor Swift at Travis Kelce