July 19, 2026

Home BALITA National

Maliii: Sen. Jinggoy, prumeno ng mosyon sa maling division ng Sandiganbayan!

Maliii: Sen. Jinggoy, prumeno ng mosyon sa maling division ng Sandiganbayan!
Photo courtesy: MB

Inaprubahan ng Sandiganbayan Second Division ang apela ng kampo ni Sen. Jinggoy Estrada na ma-withdraw ng kanilang mosyon na makadalo sa Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. 

Batay ito sa naging desisyon ng Sandiganbayan Second Division noong Huwebes, Hulyo 9, 2026, dahil sa maling division daw nakapagsumite ng mosyon ang kampo ng senador. 

Anila, sa Sandiganbayan 5th Division daw dapat nagsumite ang kampo ni Estrada dahil doon nito kinakaharap ang kaniyang non bailable plunder case kaugnay sa pagtanggap umano ng ₱573 milyon sa maanomalyang flood control projects. 

“[D]ated June 30, 2026 filed by accused Senator Jinggoy Ejercito Estrada, through counsel, informing the Court that he is withdrawing his earlier motion to be allowed to attend the Senate Impeachment trial as it was meant for the Fifth Division, and mistakenly filed with the Second Division,” anang Sandiganbayan Second Division. 

Samantala, sa desisyong inilabas ng Sandiganbayan 5th Division nitong Biyernes, Hulyo 10, hindi naman nila pinagbigyan si Estrada na makadalo sa impeachment trial dahil sa kakulangan umano ng merito ng kanilang mosyon. 

National

Tinatayang 20,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni PBBM!

Sa naging paliwanag ng 5th Division, sinabi niyang hindi raw nila makokonsidera ang hiling ni Estrada kahit na maituturing na mahalagang ganap ang impeachment trial. 

Anila, ikinakasa ang impeachment trial nang tatlong araw sa loob ng isang linggo at nakatakdang magkaroon ng kabuuang 92 araw na bilang ng mga pagdinig. 

“Such a prolonged and recurring arrangement cannot, by any stretch of the imagination, be considered an emergency or compelling temporary leave from detention,” diin nila. 

Saad ng 5th Division, magmimistulan daw na malaya si Estrada habang natatanggap ang lahat ng pribiliheyong may kaugnayan sa kaniyang posisyon at magiging pangungutya daw sa layunin ng “preventive detention” ang desisyong payagang makalabas ng kulungan ang nabanggit. 

“To grant such a request would substantially erode the very restraints that lawful detention necessarily entails,” paglilinaw nila. 

“[Accordingly], the Motion to Allow Accused Senator Jinggoy Ejercito Estrada to Attend the Senate Impeachment Trial of Vice President Sara Duterte-Carpio dated June 29, 2026 of accused Senator Jose ‘Jinggoy’ P. Ejercito Estrada is DENIED for lack of merit,” pagtatapos pa nila. 

KAUGNAY NA BALITA: Padilla, inapelang kahit ‘observer’ na lang sina Estrada at Marcoleta sa impeachment trial!