Dumipensa si Atty. Michael Poa hinggil sa naging biglaang pagpunta ni Vice President Sara Duterte sa Senado ngunit hindi pagdalo sa kaniyang impeachment rial noong Martes, Hulyo 7, 2026.
Sa press briefing nitong Miyerkules, Hulyo 8, iginiit ni Poa na nirerespeto raw niya ang pahayag ni La Union 1st district Rep. Paolo V Ortega nang sabihin niyang “clickbait” lang ang pagpapakita ng Pangalawang Pangulo sa Senado.
“He's (Rep. Ortega) entitled to think what he ever thinks about it. Sa amin, sinabi ko lang kung ano yung totoo,” ani Poa.
Paliwanag pa niya, “In fact when I came in here, ayaw ko nang mag-expect kayo. Sinabi ko na agad na 'She's only here for a meeting with us.’”
Muling hindi sinipot ni VP Sara ang ikalawang araw ng paglilitis sa kaniya noong Martes kung saan itinakda ang unang pagtalakay sa ikaapat na articles of impeachment na ibinabato laban sa kaniya.
Sa naging pagpunta ni VP Sara sa Senado, maikling pahayag lamang ang binitawan sa media—bagay na naging usap-usapan sa social media dahil tila pamarehas umano ito sa isang linya sa tulang Invictus.
"In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed," ani VP Sara.
MAKI-BALITA: 'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD
Matatandaang minsan nang inihayag ng Pangalawang Pangulo na mas gusto niya raw noon ng isang “bloodbath” na impeachment trial.
"Lawyers, okay naman sila, in full throttle yung kanilang preparations sa impeachment. And, of course, they do not want a trial. As lawyers, alam naman natin ang galawan ng mga abugado. Madami silang paraan sa batas as a legal recourse for their clients," anang Pangalawang Pangulo sa media noong Mayo 17, 2025.
Dagdag pa niya, "Sinabihan ko na rin talaga sila. I truly want a trial because I want a bloodbath talaga."
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'