July 23, 2026

Home BALITA National

'Pagkontrata sa mamamatay-tao' ni VP Sara 'di normal, 110% betrayed public trust!’—Prosecution

'Pagkontrata sa mamamatay-tao' ni VP Sara 'di normal, 110% betrayed public trust!’—Prosecution
Photo courtesy: Senate of the Philippines, MB via Mark Balmores

Tumirada ang prosecution sa impeachment trial na 110% o malinaw raw na hindi normal at pagsira sa tiwala ng publiko ang umano’y mga naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at iba pa. 

Sa ikalawang araw kasi ng Senate impeachment trial laban kay VP Sara nitong Martes, Hulyo 7, 2026, nagawang iprisenta sa Korte ang mga kopya ng naging pagbabanta ng Bise Presidente sa buhay nina PBBM, First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez noong Nobyembre 23, 2024, at mga sumunod pa. 

Sa naturang pagdinig, nagawang tanungin ni Senator-Judge Risa Hontiveros ang prosecution kung bakit naging mabigat daw na dahilan ang umano’y mga naging pagbabanta ni VP Sara para ma-impeach ito sa kaniyang puwesto.

Depensa naman ng private prosecutor na si Atty. Amando Ligutan, idiniiin niyang ipinapakita raw ng mga umano’y naging pagbabanta ni VP Sara na planado o may sistema na raw talaga ang plano nitong pagpatay kina PBBM at iba pa. 

Ani Ligutan, hindi raw normal ang pagkontrata sa “mamamatay-tao” ni VP Sara para ipapatay sina PBBM at iba pa. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Dagdag pa niya, iyon land din daw ang unang beses na may nagbanta sa buhay ng Pangulo sa kasaysayan ng bansa. 

“‘Yong pagbabanta ng Bise Presidente sa buhay ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, hindi po ‘yan normal. ‘Yan po ay unang pagkakataon na nangyari ‘yan,” aniya. 

Dagdag pa pa niya, “Nakipagkontrata sa isang mamamatay-tao to do that.” 

Pagpapatuloy ni Ligutan, malinaw raw sa kabuuang 110% na sinira ni VP Sara ang tiwala sa kaniya ng publiko bilang ikalawa sa pinakamataas na nasa posisyon ng pamahalaan ng bansa. 

“Even without going into that question, is that a criminal act? That acts, one hundred ten percent sure betrayed the public trust that the Vice President cuts in the precious elections,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, hindi naman na muling nagtanong si Hontiveros kay Ligutan matapos nito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Hindi siya cheerleader!' Ridon, binira pagpapakita lang ni VP Sara para sa defense