July 23, 2026

Home SHOWBIZ

Esnyr, keber sa kita ng pelikula; mas bet magpasaya

Esnyr, keber sa kita ng pelikula; mas bet magpasaya
Photo Courtesy: Esnyr (FB)

Tila hindi masyadong iniisip ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer Esnyr Ranollo ang kikitain ng high school series niyang “First Day High.”

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” kamakailan, tampok ang panayam ni showbiz insider Ogie Daiz kay Esnyr kung saan ibinahagi nito ang naging paghahanda para sa naturang pelikula. 

“Before naman kami nag-start, kailangan maging prepared din talaga. Kaya ayun, instead sa bumili ng luho, doon ko na lang binuhos. Sobrang satisfying naman,” lahad ni Esnyr.

Sundot naman ni Ogie, “So, ano ‘to? ‘Yon pa rin ang iniisip mo,  makapagpasaya pa? Hindi kumita?”

“Passion project po talaga ‘to,” anang PBB: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer. “Of course, may iisipin ka rin talagang revenue na babalik. Pero, more than the revenue na po, e. Kasi gusto po namin na bumalik talaga sa YouTube and makapagpasaya ng tao.”

Events

Host ng 'Ipaglaban Mo!' na si Atty. Jose Sison, pumanaw sa edad na 88

Matatandaang binubuo ng star-studded cast ang “First Day High” ni Esnyr. 

Kabilang sa mga tampok na artista ay sina Vice Ganda, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Joy Barcoma, Mika Salamanca, Empoy, Will Ashley, at marami pang iba.

Naunang nakilala si Esnyr sa social media dahil siya ang nasa likod ng mga video na nagtatampok ng mga classic na eksena mula sa high school. 

Kaya naman, kombinasyon ng aliw at nostalgia ang hatid niya sa kaniyang mga tagasubaybay at manonood.

Ilan sa mga sumikat na karakter ni Esnyr ay sina “Precious,” “Ma’am Castro,” “Charlotte,” “Balong,” at “Andrei.

Samantala, pinuri naman ng award-winning director na si Kit Oebanda ang “First Day High” matapos itong mailunsad. Ayon sa kaniya, kung isa raw siyang producer, tatayaan niya ang pelikula. 

Maki-Balita: Award-winning director, bet sugalan pelikula ni Esnyr