July 16, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Award-winning director, bet sugalan pelikula ni Esnyr

Award-winning director, bet sugalan pelikula ni Esnyr
Photo Courtesy: Kip Oebanda (IG), Esnyr (FB)

Pinuri ni award-winning director Kip Oebanda si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer Esnyr Ranollo dahil sa bagong labas na high school series nitong “First Day High.” 

Sa isang Instagram story ni Kip noong Lunes, Hunyo 15, sinabi niyang susugalan niya raw si Esnyr kung isa siyang producer.

“Kung ako sa producers susugal ako ng full length film kay [Esnyr]. Pwedeng gawing next YouTuber filmmaker sya. Gets nya ang edit, music, at cam angles,” saad ni Kip.

Dagdag pa niya, “Gets niya ang masa. Siya rin nagsusulat, I know this coz I co-wrote the Heartbreak episode so alam ko paano sya mag-script. “

Kaya naman hinikayat ni Kip ang publiko na suportahan at huwag piratahin ang ibinubuhos na talento at tiyaga ni Esnyr sa mga likha niyang serye. 

Pelikula

Matt Damon, bet makatrabaho si Jericho Rosales

Matatandaang binubuo ng star-studded cast ang bagong serye ni Esnyr. 

Kabilang sa mga tampok na artista ay sina Vice Ganda, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Joy Barcoma, Mika Salamanca, Empoy, Will Ashley, at marami pang iba.

Naunang nakilala si Esnyr sa social media dahil siya ang nasa likod ng mga video na nagtatampok ng mga classic na eksena mula sa high school. 

Kaya naman, kombinasyon ng aliw at nostalgia ang hatid niya sa kaniyang mga tagasubaybay at manonood.

Ilan sa mga sumikat na karakter ni Esnyr ay sina “Precious,” “Ma’am Castro,” “Charlotte,” “Balong,” at “Andrei.

Maki-Balita: Esnyr, napagkamalang may multiple personality disorder