July 23, 2026

Home BALITA Metro

Ka Leody sa pamamahagi ng pagkain ng Manila LGU sa mga raliyista: 'Iba rin ang special treatment'

Ka Leody sa pamamahagi ng pagkain ng Manila LGU sa mga raliyista: 'Iba rin ang special treatment'
photo courtesy: Ka Leody de Guzman/FB, Diann Calucin/MB, Manila Public Information Office/FB

Kumuda si labor leader Ka Leody De Guzman tungkol sa pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng pagkain sa mga raliyistang miyembro ng Iglesia NI Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio nitong Huwebes, Hulyo 2.

"Sa apat na dekada kong pakikibaka. Hindi ko pa naranasan na may magpalugaw na mayor," saad ni De Guzman sa isang social media post.

"Iba rin ang special treatment," dagdag pa niya.

Matatandaang ibinahagi ng Manila Public Information Office na namahagi ng pagkain ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare ng lungsod.

"Nakaalalay ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare para sa pamamahagi ng pagkain, Department of Environment and Public Services para sa pagpapanatili ng kalinisan ng lugar, at Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department na nakaantabay sa anumang first aid o emergency na pangangailangan ng mga dadalo," saad ng MPIO sa kanilang Facebook post.

Metro

Ilog sa Antipolo, ‘bumula’ matapos tapunan ng pinaglabahang tubig!

Kaugnay nito, nauna na ring inihayag ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na wala siyang ikinababahala sa tuwing INC na raw ang nagsasagawa ng rally.

“Kapag Iglesia Ni Cristo (INC) ang nagra-rally, wala akong kakaba-kaba,” ani Domagoso.

Maki-Balita: ‘Wala akong kakaba-kaba!’ Yorme, panatag kapag INC nagkilos-protesta