Ibinunyag ni Quezon City Public Order Chief Elmo San Diego na nauna nang humingi ang Iglesia ni Cristo (INC) ng isang four-day permit para sa ikakasa nilang kilos-protesta sa EDSA People Power Monument hanggang sa Biyernes, Hulyo 3.
Kaugnay ito sa pagsuporta ng religious group kay Sen. Rodante Marcoleta, na siyang napaulat na kakasuhan ng kasong plunder dahil sa iniuugnay sa kaniyang ₱75-million campaign donation noong 2025 elections.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang plunder at bakit nagitgit si Sen. Marcoleta sa kasong ito?-Balita
Gayunpaman, isang araw lamang ang inaprubahan ng Quezon City government para sa naturang kilos-protesta—na siyang nakatakdang isagawa ngayong Miyerkules, Hulyo 1.
Giit naman ni San Diego, may posibilidad na ma-extend ang rally permit; depende sa magiging takbo ng INC rally.
“Titingnan namin kung maganda ‘yong progress ng rally ngayon. Kung tingin ko, kaya pa namin na i-secure, i-extend natin kung kailangan,” aniya sa kaniyang pahayag sa media nitong Miyerkules, Hulyo 1.