July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Banat ni Aiko Melendez sa pag-joke sa physical appearance, sapul kay Kim Chiu?

Banat ni Aiko Melendez sa pag-joke sa physical appearance, sapul kay Kim Chiu?
Photo courtesy: MB File Photo

Nagbahagi ng makahulugang mensahe sa social media ang aktres at Quezon City Councilor na si Aiko Melendez tungkol sa kahalagahan ng pagiging mabait at pag-iwas sa pangungutya sa pisikal na anyo ng ibang tao.

Mababasa sa Facebook post niya noong Lunes, Hunyo 29, iginiit ni Aiko na hindi dapat gawing biro ang pisikal na katangian ng isang tao.

“Never joke around about anyone’s physical appearance. Beauty has always been relative—what one person finds beautiful may be different for someone else,” ani Aiko.

Binigyang-diin din niya na mas mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng mabuting puso kaysa sa panlabas na anyo.

“But one thing that never goes out of style is having a kind heart,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Hinikayat din ng aktres ang publiko na maging dahilan ng pagngiti at hindi ng pagkawala ng kumpiyansa ng ibang tao.

“Be the reason someone smiles today, not the reason they lose confidence. Kindness will always be the most beautiful thing a person can wear,” aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Aiko Melendez (FB)

Bagama't walang partikular na personalidad na binanggit si Aiko sa kaniyang post, mabilis itong nakatawag ng pansin ng mga netizen dahil lumabas ito kasunod ng usap-usapang kontrobersiya na kinasasangkutan ng "It's Showtime" host at Kapamilya star na si Kim Chiu.

Matatandaang umani ng batikos sa social media ang It's Showtime host matapos ang kaniyang biro tungkol sa “lotus feet” sa isang segment ng "It's Showtime."

Nadamay din sa usapan ang dating child star at "Eat Bulaga!" host na si Ryzza Mae Dizon matapos mabanggit ang kaniyang pangalan sa naturang biruan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, na mababasa sa comment section ng nabanggit na post ni Aiko. Talagang in-associate na nga nang tuluyan ng mga netizen kay Kimmy ang nabanggit na post mula kay Aiko. Apela nga nila, sana raw, magkusa nang mag-public apology ni Kim kay Ryzza para matapos na ang isyu.

"Tigilan natin yung biro tungkol sa itsura ng iba. Kasi yung salitang binitawan mo nang biro lang, baka ‘yon yung iniuwi nila at iniyakan sa gabi. ‘Yung pinagtatawanan mo ngayon, hinahangaan naman ng iba. ‘Yung hindi mo type, ‘yon ‘yung dasal ng ibang tao. Walang standard. Walang panalo sa pambabastos."

"True. Pati nga ako nasaktan rin. Pero ang galing din ang mga tao, dun pa rin sila sa may mabuting loob hindi sa mas sikat at mas angat sa buhay. Tao na ang nagtanggol at rumesbak sa nanlait sa kanya. Talagang napakabuti Ng Panginoon sa mga mabubuting tao. God bless you always, Ryzza."

"Accountability matters. Kim Chiu, if your joke publicly embarrassed or hurt Ryzza Mae Dizon, then you should publicly own it and publicly apologize. A sincere apology is not a sign of weakness—it is a sign of integrity, maturity, and respect. Public humiliation deserves public accountability. True character is measured not by never making mistakes, but by having the courage to admit them and make things right. Take responsibility. Offer a genuine public apology to Ryzza Mae."

"It was a typical comedy bar humor that was shown on national television. They should upgrade their kind of comedy to a more humane, more intelligent type."

"Very well said, Ms. Aiko. Kaya sna dapat my filter/edit/modify din ang buka ng bibig natin sa pgsasalita para di tau mkapanakit ng kapwa."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Aiko, Kim, at Ryzza Mae tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

Maki-Balita: Kim Chiu, pinutakti matapos okrayin si Ryzza Mae!