July 25, 2026

Home SHOWBIZ

'Salamat po sa dasal:' Ate Gay, wala nang bukol sa ilong at leeg!

'Salamat po sa dasal:' Ate Gay, wala nang bukol sa ilong at leeg!
Photo courtesy: Ate Gay

Maligayang ibinalita sa publiko ng komedyanteng si Gil Morales o mas kilala bilang Ate Gay ang matagumpay pagkawala ng kaniyang bukol sa ilong at leeg. 

Matatandaang nagkaroon si Ate Gay ng malaking bukol sa kaniyang kanang leeg, at sa tulong ng isang fan, naging libre lamang ang gamutan sa kaniya sa isang ospital, gayundin ang accommodation niya sa isang condo unit, para malapit lang siya sa ospital kung saan siya nagpapagamot.

KAUGNAY NA BALITA: 'Gusto ko pang mabuhay!' Ate Gay, lumalaban sa malubhang sakit

Sa latest balita ni Ate Gay sa kaniyang mga tagasuporta sa kaniyang Instagram nitong Lunes, Hunyo 29, 2026, sinabi niyang wala na raw lumabas o nakitang bukol sa naging resulta ng kaniyang Magnetic Resonance Imaging (MRI). 

“Ang ganda ng Doktora ko oh (Dra.Jaeme Fernandez) at magandang balita wala na akong bukol sa ilong at Leeg result ng MRI,” pagsisimula niya. 

Darna o Robin? Sen. Padilla, nadawit sa ‘Miss Q and A’

Screenshot mula sa IG post ni Ate Gay. 

Dagdag pa niya, “[Y]eheyyyy. Thank you Lord Jesus.” 

Pagpapatuloy ni Ate Gay, apat na immunotherapy na lang daw ang kaniyang gagawin sa bawat 21 na araw at matatapos na ang pagpapagaling niya sa kaniyang sakit. 

Nagawa ng pasalamatan ni Ate Gay ang ibinigay na dasal ng publiko sa kaniya at mga taong tinatawag niyang “Anghel” na nasa likod ng kaniyang pagpapagaling. 

“4 na lang na immuno (every 21 days) ay tapos na… salamat po sa Dasal at sa mga Anghel ko,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘I felt uncomfortable:’ Heart Evangelista, na-shookt sa pasasalamat ni Ate Gay

KAUGNAY NA BALITA: Di makakain! Ate Gay, naospital ulit dahil sa 'side effects' ng cancer treatment niya