May 22, 2026

Home SHOWBIZ

‘I felt uncomfortable:’ Heart Evangelista, na-shookt sa pasasalamat ni Ate Gay

‘I felt uncomfortable:’ Heart Evangelista, na-shookt sa pasasalamat ni Ate Gay
Photo Courtesy: Heart Evangelista, Ate Gay (FB)

Hindi inasahan ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista ang ginawang pagpapasalamat sa kaniya ng komedyanteng si Gil Morales o mas kilala bilang Ate Gay.

Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay isiniwalat ni Ate Gay na buwan-buwan umano siyang inaayudahan ni Heart para sa cancer treatment niya.

Kaya sa latest episode ng nasabing talk show noong Huwebes, Abril 9, inungkat ni Boy kay Heart ang sinabing ito ni Ate Gay.

“He actually told me the amount in private. Thank you,” anang host.

“Actually,” sabi ni Heart, “nagulat ako no’ng binanggit niya. Kasi we’ve never met, like, after, and never kaming nag-usap talaga. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Dagdag pa niya, “Trivia: ‘Yong sinabi niyang nag-usap kami, kausap niya ‘yong assistant ko. Tapos after that, kinausap niya na ako. “

Ayon kay Heart, nakaramdam umano siya ng uncomfort matapos isapubliko ng komedyante ang pagtulong niya.

“I felt uncomfortable na sinabi niya pero salamat din kasi iba rin pala marinig na nagpapasalamat sa 'yo 'yong tao kasi most the time people don't really know it's me,” saad ng Kapuso star.

Si Ate Gay ay nagkaroon ng malaking bukol sa kaniyang kanang leeg na kung tawagin ay "mucoepidermoid cancer versus squamous cell carcinoma."

Maki-Balita: Bilang pasasalamat: Ate Gay, dinalaw ng isang doktor na napapatawa niya