July 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz, nakatikim ng katarayan ni Kim Chiu?

Ogie Diaz, nakatikim ng katarayan ni Kim Chiu?
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Kim Chiu (FB)

Inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa umano’y pagtataray na ginawa ni “It’s Showtime” host Kim Chiu.

Napag-usapan kasi sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Hunyo 28, ang pag-atake ng ilang netizens kay Kim dahil sa hirit nito laban kay “Eat Bulaga” host at “Little Miss Philippines 2012” Ryzza Mae Dizon.

Aniya, “Bigla kong naalala. Grand finals ‘yon ng TNT [Tawag ng Tanghalan] kung saan naka-gown silang lahat. Tapos si Kim Chiu nando’n sa hallway ng ABS-CBN. Nagpipicto-pictorial silla. E, ako naman kalalabas ko lang kasama ‘yong misis ko saka si Miracle, ‘yong aking junakis.”

“So lumabas kami dahil binati namin si Vice Ganda. Tsinika-tsika namin sa dressing room. Paglabas namin, naabutan namin nagpi-pictorial sa labas. Mga isang metro, nagkatinginan kami ni Kim Chiu. So akala ko magha-hi o ano. Siyempre mayro’n kaming konting misunderstanding, e,” dugtong pa ni Ogie.

Ngunit nagulat umano ang showbiz insider nang sabihin ni Kim na “Buti pinapasok kayo” na ang hilatsa ng mukha ay alanganing ngingiti at sisimangot.

Tsika at Intriga

Eric Fructuoso, 'di na raw makita sariling 'bird' dahil sa katabaan noon!

“Sabi ko, ‘Bakit bawal ba?’ So pumasok na siya sa dressing room niya. So no’ng paglampas namin, nagtaka si misis. ‘Bakit gano’n sinabi ni Kim Chiu sa ‘yo?’ Puwede naman akong dedmahin. Bakit nag-dialogue ng ‘Buti pinapasok kayo,’” lahad ni Ogie.

Pero sa palagay niya, baka lang daw nabibigla si Kim at hindi malay sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Katulad noong pahayag nito noong pandemya na bawal umanong lumabas na kalaunan ay gianwa pa nitong kanta.

Samantala, wala pa namang reaksyon o pahayag na inilalabas si Kim hinggil dito. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.

Kaugnay na Balita: Kim Chiu, pinutakti matapos okrayin si Ryzza Mae!