July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kris bumulaga sa Eat Bulaga, aprub na maging 'future mother-in-law' ni Ryzza?

Kris bumulaga sa Eat Bulaga, aprub na maging 'future mother-in-law' ni Ryzza?
Photo courtesy: TVJ (YT/FB)

Ikinagulat at ikinasaya ng studio audience at maging ng netizens ang biglang pagbisita ni Queen of All Media Kris Aquino sa live telecast ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga" nitong Huwebes, Hunyo 26.

Nagsadya si Krissy sa studio ng Eat Bulaga para magpakita ng suporta sa bunsong anak na si Bimby Aquino, na ilang araw na ring guest co-host sa nabanggit na programa, at "katambal" ni Ryzza Mae Dizon.

Matatandaang kinakiligan ng mga netizen ang reunion ng dalawa sa nabanggit na noontime show, at marami pa ngang humihirit na gawing "AlDub 2.0" ang dalawa.

Maki-Balita: 'Sana mabalik natin ang dati!' Ryzza, Bimby lakas daw ng chemistry

Maki-Balita: Bagong AlDub? It's Showtime pinakumusta, baka raw kinabahan kina Bimby at Ryzza!

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Sinalubong naman ni Ryzza si Kris, nagmano, at yumakap dito.

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang hirit ni Kris, na kahit may mga iniindang sakit, hindi pa rin talaga nawawala ang kataklesahan at pagiging witty, mga katangiang minahal sa kaniya ng mga tao.

Aniya kay Ryzza, "Mag-kiss ka sa future mother-in-law mo!"

May piece of advice naman si Kris para kay Ryzza, matapos niyang mabalitaan ang karanasan nito noon, na nakaranas daw ng pang-aapi.

Marahil, ang tinutukoy ni Kris ay ang naging pagbubukas ni Ryzza sa naging karanasan niya noong kabataan niya, sa panayam sa kaniya sa "Toni Talks" ni Toni Gonzaga-Soriano.

"I love you. Doon sa nabalitaan kong nang-aapi sa 'yo, don't mind them because success is the best revenge."

Pinuri pa ni Kris si Ryzza na ang laki raw ng iginanda.

"Ang laki ng ginanda mo. I think dahil may nagpapaganda sa 'yo," biro naman ni Kris sabay sulyap sa anak na si Bimby, na ikinakilig naman ng lahat.

Isa pa sa kinakiligan ng lahat ang suot na damit ni Bimby kung saan may letrang "R" ito, bagay na personal daw na binili ni Kris para sa anak.

Sa huli, sinabi ni Kris na mahal niya ang Dabarkads, at willing yata siyang maging guest host din kagaya ni Bimby.

Hirit naman ng mga netizen, sana raw ay bigyan ng teleserye o pelikula together sina Bimby at Ryzza, dahil bagay raw sila.