Usap-usapan ng mga netizen ang tila "chemistry" sa pagitan nina "Eat Bulaga" host Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino nang minsang mag-guest ang huli sa segment na "The Age Is Right" sa nabanggit na longest-running noontime show.
Si Bimby, ay bunsong anak ni Queen of All Media Kris Aquino, sa dating asawang basketball player na si James Yap.
Nagulat nga ang lahat nang mag-guest si Bimby sa nabanggit na show, at talaga namang ang tangkad at ang laki-laki na niya. Plus, nagpasampol pa si Bimb na marunong siyang kumanta at maganda ang boses niya.
Para sa mga hindi aware, minsan nang nagkasama sina Bimby at Ryzza sa pelikulang "My Little Bossings" na pinagtambalan nina Vic Sotto at Kris Aquino noong 2013, na isa sa mga opisyal na entry movie sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kaya naman, nagsilbing reunion ng dalawa ang muling pagkikita sa Eat Bulaga, na talaga namang kinakiligan ng fans, dahil sa sinabi ni Bimby kay Ryzza bilang birthday wish sa kaniya.
Nang ipakita ang ilan sa throwback photos nilang dalawa mula sa pelikula, sinabi ni Bimby na iyon daw ang one of the happiest moments of his life!
Nang tanungin kung ano ang favorite niyang memory sa nabanggit na pelikula, "Siyempre, na-meet ko si Ryzza!"
Si Bimby na rin mismo ang bumuyo kay Ryzza na parang "kinikilig" daw sa sinabi niya.
"Bimby, what's your message for Ryzza's birthday?" tanong ng co-host ni Ryzza na si Miles Ocampo.
"Sana mabalik natin ang dati. Our ano, friendship dati, kasi 'di ba, we've lost contact, 'di ba," saad ni Bimby.
Wish pa ni Bimby na sana raw, hindi magbago si Ryzza batay sa pagkakakilala niya rito.
"Never change. Kasi from the time I've known you since you were 8 years old, hindi ka nagbago. So kaya, stay the same person, you've always been, a kind, siyempre beautiful, and caring person you are," dagdag pa niya, habang kinikilig ang studio audience.
"At saka kung hindi man maging tayo, if we don't end up together, kailangan ako ang ninong sa kasal niya," saad ni Bimby.
Hindi pa rito natapos dahil binigyan din ni Bimby si Ryzza ng special gift na pendant.
Umabot na nga sa social media page na "We Are Millennials PH" ang video clip nina Ryzza at Bimby.
Mababasa sa text caption, "Kamustahin n'yo nga ang It's Showtime, baka kinakabahan na naman sila."
"Jusko, It's Showtime, paghandaan n'yo na 'to. Ilabas n'yo na si Pastillas 2.0," dagdag na hirit pa nila.
Naihambing pa ito sa phenomenal love team na "AlDub" nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub noong 2015, na umukit sa kasaysayan ng Philippine television, at inamin naman ni Vice Ganda na nagpakaba sa kanila nang husto, dahil halos wala na raw nanonood sa kanilang show nang mga sandaling iyon.
Maki-Balita: BALITAnaw sa kilig: Bakit iconic at phenomenal ang KalyeSerye at AlDub?-Balita
Maki-Balita: Vice Ganda nagpasalamat sa AlDub: 'Ibang lakas ang na-develop namin dahil sa inyo!'
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.
"susko anak nga sya ni kris....manang mana sa pagka slight na taklesa or he's just being funny!! nakaisip tuloy si bossing vic na isama sa next movie nya yan 2 na yan kasi may something sparkling kuno hehehe infairness lumabas na leeg ni raiza ha...ano ba yan Aldub 3.0 in the making....pangalanan na ng Zamby!!!!"
"So ang kasunod ng Aldub ay Bimby Mae?"
"grabeng chemistry yan"
"Inaanak ni meme vice si bimby. . Kabahan ka na talaga meme. ."
"Nakakakilig in fairness."
"jusko you are just like your Mama unpredictable but lovable bimb."
Samantala, hindi pa sigurado kung magtutuloy-tuloy na ba talaga sa showbiz si Bimby.
Maki-Balita: Bimby, nag-eensayong kumanta