Marami ang naintriga sa pag-flex ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza habang nakasuot siya ng traje de boda sa loob ng isang simbahan, noong Hunyo 22.
Sa apat na larawang kalakip ng post niya, makikitang nakangiti si Barbie habang tila naglalakad sa aisle ng simbahan, at tila magpapakasal na.
Mas nakakaintriga pa nga ang inilagay niyang caption.
"I’ve waited for this for so long. Nobody can ruin my big day," aniya.
Bukod sa traje de boda at hawak na bouquet of flowers, makikita rin ang dalawang wedding ring. Pero sadly, hindi naman ipinakita ni Barbie kung sino ang "groom."
Kaya ang tanong ng mga netizen: ikakasal na ba si Barbie? Sino ang groom, eh wala namang nababalitaang bagong jowa niya, simula nang magkahiwalay sila ng longtime partner na si Jak Roberto?
Maki-Balita: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!
Although, inintriga ng mga netizen ang madalas na sightings nila ni Kapamilya actor Jameson Blake, na madalas niyang nakakasama sa running activities na dinadaluhan ni Barbie.
Maki-Balita: Pictures nina Barbie Forteza, Jameson Blake inurirat: ‘Soft launch ba ‘to?’
Maki-Balita: Barbie Forteza, nagsalita na sa pagkaka-link kay Jameson Blake
Anyway, promotional post lang pala ito para sa upcoming movie niyang "Saving Cherry" under Regal Entertainment, kung saan makakatambal niya ang kapwa Kapuso star na si Khalil Ramos.
Makakasama rin dito sina Mika Salamanca, AC Bonifacio, at social media personality na si Sassa Gurl.
Isa lang ito sa mga proyektong aabangan kay barbie dahil gumugulong na rin ang taping para sa kauna-unahang teleserye nila kasama si Megastar Sharon Cuneta, ang "Honor Thy Mother," na muling kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA Network.
Maki-Balita: Sharon Cuneta, Barbie Forteza, Khalil Ramos, John Estrada magsasama sa 'Honor Thy Mother'