July 23, 2026

Home SHOWBIZ Events

Karla Estrada sa pamamaril sa Tacloban: 'Walang sapat na salita upang maibsan ang sakit!

Karla Estrada sa pamamaril sa Tacloban: 'Walang sapat na salita upang maibsan ang sakit!
Photo courtesy: Karla Estrada (FB)

Personal na dumalaw at nagbigay-pugay si TV host-actress Karla Estrada sa lamay ng isa sa mga nasawi sa madugong pamamaril na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte noong Lunes, Hunyo 22.

Sa kaniyang pagbisita, nagpahayag si Karla ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang naulila dahil sa trahedyang yumanig hindi lamang sa komunidad ng Tacloban kundi maging sa buong bansa.

Sa isang mensahe, sinabi ni Karla na walang sapat na salita upang maibsan ang sakit na nararanasan ngayon ng mga pamilya ng mga biktima.

"Nakikiramay po ako at ang aking buong angkan nang taos-puso sa mga pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa paaralan sa San Jose, Tacloban. Walang sapat na salita upang maibsan ang sakit ng inyong pinagdaraanan, ngunit nawa'y maramdaman ninyo ang yakap ng ating komunidad sa panahong ito ng matinding lungkot," ani Karla.

Idinagdag pa niya na ipinagdarasal niya ang kapayapaan ng mga kaluluwa ng mga nasawi at ang katatagan ng kanilang mga mahal sa buhay na naiwan.

Events

Ivana Alawi, Kara David nag-tie sa FAMAS bilang best host for public service

"Dalangin ko ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa at ang lakas ng loob para sa inyong mga naulila. Nandito kami, nakikiisa at nakikidalamhati," dagdag niya.

Ang pagbisita ng aktres ay isa sa mga pagpapakita ng suporta at pakikiisa ng mga kilalang personalidad sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente.

Matatandaang tatlong katao ang nasawi habang marami pa ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa loob ng nabanggit na pampublikong paaralan. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente habang nahaharap na sa mga patong-patong na kasong kriminal ang isa sa mga menor de edad na suspek, na 15-anyos ang edad.

Maki-Balita: 15-anyos na suspek sa Tacloban school shootout, sinampahan ng patong-patong na kaso!