Mariing kinondena ng United Arab Emirates - Ministry of Foreign Affairs (UAE MOFA) ang pamamaril sa isang pampublikong paaralan sa Tacloban City, Leyte, noong Lunes, Hunyo 22.
“The UAE has strongly condemned the shooting incident at a school in Tacloban City, in the Republic of the Philippines, which resulted in a number of deaths and injuries,” saad sa pahayag ng UAE MoFA.
Saad pa ng ahensya, lubos ang pagtutol ng bansang UAE sa lahat ng uri ng karahasan at ekstremismo na naglalayong makapanggulo.
“In a statement, the Ministry of Foreign Affairs (MoFA) reiterated the UAE’s strong condemnation of such criminal acts and its firm rejection of all forms of violence and extremism aimed at undermining security and stability,” pagtutol ng MoFA.
Sa pagtatapos ng pahayag, nagpaabot din ng pakikiramay at simpatya ang MoFA sa mga biktima at kanilang mga pamilya, at sa pamahalaan ng Pilipinas.
Hiling din ng MoFA ang mabilis na paggaling ng mga nasaktan at nasugatan sa insidente.
Matatandaang mga menor de edad ang suspek sa naging pamamaril, na sa kasalukuyan, ay mayroon nang naitalang tatlong nasawi at 15 sugatan.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga suspek ay 15-anyos at 14-anyos, na parehang may mga rehistradong mga armas na ginamit sa pamamaril sa loob ng paaralan.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City