July 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sam Verzosa, labas sa isyung kinasasangkutan ni Rhian Ramos

Sam Verzosa, labas sa isyung kinasasangkutan ni Rhian Ramos
Photo Courtesy: Sam Verzosa, Rhian Ramos (FB)

Itinanggi ng negosyanteng si Sam Verzosa ang pagkakaugnay niya sa legal na isyung kinasasangkutan ng ex-girlfriend niyang si Kapuso actress Rhian Ramos.

Matatandaang noong Enero ay kinasuhan ng dating driver ni Rhian na si alyas Totoy ng illegal detention kasama na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Kaugnay na Balita: Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita! 

Kaya sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Hunyo 22, inusisa si Sam kaugnay sa kasong kinaharap ni Rhian.

“Wala talaga akong firsthand information regarding that case and mahirap magdagdag ng kahit ano na wala naman ako do’n. Tapos na po kami,” saad ni Sam.

Tsika at Intriga

Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal?

Bukod dito, pinabulaanan din ng negosyante ang paratang na kabilang umano siya sa ilang larawan na nasa loob ng angpao na kinuha umano ni Totoy mula kay Rhian.

Inintriga pa nga ng ilang netizens na naglalaman umano ng “threesome sex activities” ang mga larawang nasa angpao. Ngunit ayon sa abogado ni Michelle na si Atty. Maggie Abraham-Garduque hindi umano ito totoo.

Bagama’t nauna na nilang sinabi na sensitibo ang nilalaman ng angpao, wala umanong kuhang larawan ng pagniniig na makikita roon.

Maki-Balita: Angpao ni Michelle, iniisyung may resibo ng 'threesome;' abogado, umalma!

Kinasuhan na ni Michelle ng qualified theft ang dating driver ni Rhian noong Enero, ngunit ibinasura ito kalaunan ng opisina ng piskalya. Kaya noong Pebrero ay muli siyang nagsampa ng kaso.

Maki-Balita: Michelle Dee, kinasuhan ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos!

Maki-Balit: Michelle Dee, kinasuhan ulit ng qualified theft ang driver ni Rhian Ramos