Nagpaabot ng pakikiramay ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa mga naapektuhan ng shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Lunes ng umaga, Hunyo 22.
Sa latest Facebook post ni Ruby Ana Bernardo nito ring Lunes, mababasa ang kabuuang mensahe ng grupo.
Si Bernardo o mas kilala bilang Titser Rubs ay public school teacher mula Quezon City at national chair ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
“The Alliance of Concerned Teachers extends its deepest sympathies to the families, classmates, teachers, and school community affected by the tragic incident at San Jose National High School in Tacloban City that claimed the lives of three students and injured several others,” saad ni Titser Rubs.
Dagdag pa niya, “No parent should ever have to endure the unbearable pain of losing a child in a place meant to keep them safe—our hearts grieve with you in this unimaginable loss.”
Sa huli, nanawagan siyang huwag lang gawing espasyo ng pagkatuto ang bawat paaralan. Gawin din daw sana itong lugar ng pagkalinga at pag-asa alang-alang sa mga bata.
Matatandaang ayon sa mga ulat, tatlong estudyante ang kumpirmadong nasawi habang limang katao pa ang sugatan. Kasalukuyan nang nasa ospital ang mga biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na dalawang armadong lalaki ang nasa likod ng pamamaril. Isa sa mga suspek ang kinilalang 15 taong gulang at residente rin sa Tacloban City.
Maki-Balita: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!