Naglabas ng pastoral message si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Archbishop of Lipa Gilbert Garcera kaugnay sa ikakasang White Ribbon March sa Hunyo 28 sa EDSA People Power Monument.
Ayon sa naturang mensahe ng CBCP nitong Lunes, Hunyo 22, hinikayat ng arsobispo ang publiko na makiisa sa isasagawang pagkilos.
Ito ay sa gitna ng patuloy na suliraning kinakaharap ng Pilipinas gaya ng korupsiyon, inhustisya, at pagkawasak ng tiwala ng sambayanan sa mga institusyon.
“Those who, guided by their conscience and local circumstances, wish to participate in this peaceful gathering may do so prayerfully and respectfully,” saad ni Arch. Garcera.
Dagdag pa niya, “Above all, let us remember that the true source of our strength is the Lord present in the Eucharist. “
Matatandaang Hunyo 19 nang ianunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) sa media ang nakatakda nilang pagkilos.
Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, ang White Ribbon March ay pagpapatuloy umano ng kanilang nasimulang Trillion Peso March, na dinaluhan ng libo-libong demonstrador mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Maki-Balita: ‘White Ribbon Movement,’ ikakasa ng iba’t ibang religious groups sa Hunyo 28