July 21, 2026

Home BALITA National

Akbayan, idiniing posible 105 araw na paternity leave sa tulong ng pamahalaan

Akbayan, idiniing posible 105 araw na paternity leave sa tulong ng pamahalaan
Photo courtesy: Akbayan Partylist, Freepik

Nanindigan ang Akbayan Partylist na posible ang panukala nilang House Bill No. 9891 o ang Paternity and Parental Leave Act (PAPA Leave Act) na naglalayong humaba sa 105 na araw ang magiging paternity leave ng mga amang magkakaroon ng sanggol na anak. 

Anang Akbayan sa opisyal nilang pag-aanunsyo sa publiko ng kanilang panukalang PAPA Leave Act, isang daw malaking hakbang na magkaroon ng mahabang panahon ang ama at ina ng isang sanggol upang palakihin nila ang kanilang mga anak. 

Batay kasi sa Republic Act (RA) No. 8187 o Paternity Leave Act ng 1996, aabot lang sa pitong araw ang maaaring maging paid paternity leave ng mga tatay upang matulungan ang bagong panganak nilang mga misis at maalagaan ang kanilang anak. 

Depensya ng Akbayan, hindi raw sapat at makatao ang kasalukuyang batas para sa mga ama upang magtuon sila na matulungang magpagaling ang kanilang mga asawa at sanggol na anak. 

Anila, sinasaklaw ng naturang panukala nila ang lahat ng mga tatay maski ang hindi mga kasal at mga regular man o hindi regular na empleyadong ama. 

National

Sen. Alan Peter, parang taong grasa na sey ni Sen. Erwin!

KAUGNAY NA BALITA: Paternity leave, isinusulong na pahabain hanggang 105 araw

Sa bagong pahayag naman ng Akbayan sa kanilang Facebook post nitong Lunes, Hunyo, 2026, sinabi nilang hindi raw totoo ang mga sabi-sabing hindi para sa paglago ng ekonomiya ang pagpapasa ng PAPA Leave Act. 

“Sabi ng ilan, hindi raw kaya ng ekonomiya ang PAPA Leave. Not true!” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ng Akbayan. 

Anila, nagawa na rin daw ang naturang regulasyon sa pagpapahaba ng maternity leave ng mga ina mula as 60 araw patungo sa 105 din na mga araw. 

Diin nila, hindi naman daw maapektuhan ang ekonomiya ng bansa pagpapatagal ng paternity leave ng mga ama dahil nakahanda raw tumulong sa maliliit na mga negosyo ang gobyerno. 

“Nagawa na natin ito sa Expanded Maternity Leave. Tutulong din ang gobyerno sa maliliit na negosyo,” anila. 

Buwelta ng Akbayan, para daw sa mga Pilipino ang kaban ng bayan at hindi para sa bulsa ng mga magnanakaw.