Nakabalik na sa bansa ang 24 na mga Pilipinong nadetine sa Russia sa loob ng siyam na buwan matapos ang umano’y immigration issues ng mga ito, batay sa ulat na ibinahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo, Hunyo 21.
Kasunod ito ng kahilingan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Russian President Vladimir Putin na palayain at pauwiin na ang mga naturang Overseas Filipino Workers (OFW), kasabay ang isinagawa nilang bilateral meeting kamakailan sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan.
Ayon sa DFA, sila ay nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Russia upang maasikaso ang repatriation ng mga manggagawang Pinoy doon.
Samantala, nagpaabot naman ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tulong para sa mga napauwing Pilipino.
Matatandaang pinasalamatan ni PBBM si Putin dahil sa inisyatibong ito.
“I thank President Vladimir Putin and the Russian Federation for their assistance and cooperation in bringing this matter to a positive resolution,” ani PBBM.
MAKI-BALITA: 24 Pinoy detainees sa Russia palalayain, pauuwiin na ng Pinas—PBBM-Balita