Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na inawtorisahan ni Russian President Vladimir Putin ang paglaya ng 24 Pilipinong bilanggo sa Russia, na nakadetine sa Irkutsk, Siberia dahil sa umano’y immigration issues.
Batay sa pahayag na ibinahagi ni PBBM nitong Biyernes, Hunyo 19, siyam na buwan nang nakakulong sa Russia ang mga naturang Pilipino.
“After nine months in detention, 24 Filipinos in Russia will finally be on their way home to be reunited with their families,” saad ni PBBM.
Pinasalamatan din niya ang kapuwa Pangulo at ang Russian Federation sa nasabing utos at inisyatibo.
“I thank President Vladimir Putin and the Russian Federation for their assistance and cooperation in bringing this matter to a positive resolution,” ani PBBM.
Matatandaang nagtungo si PBBM sa Kazan, Russia upang daluhan ang [Association of Southeast Asian Nations] ASEAN-Russia Commemorative Summit na naganap noong Hunyo 17 hanggang 18—bilang bahagi ng paggunita sa ika-35 anibersaryo ng ASEAN-Russia ties.
Naganap din sa sidelines ng naturang summit ang isang bilateral meeting sa pagitan ni PBBM at ni Putin—bilang pagkilala naman sa 50-year diplomatic ties ng dalawang bansa.
MAKI-BALITA: PBBM, nasa Russia na para sa gaganaping ASEAN-Russia Commemorative Summit-Balita