Naghayag ng higit na pagkiling sa liderato ni Sen. Ping Lacson ang political pundit at dating Presidential Adviser for Political Affairs na si Ronald Llamas.
Sa latest episode ng news program na “Political Beat” noong Biyernes, Hunyo 19, kinapanayam ni Lourd De Veyra si Llamas kaugnay sa cabinet reshuffle at Senate leadership bilang dati na ring nagsilbi sa Palasyo noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
"Under Win Gatchalian ba e the coast is clear na ba? Back to work na? Or gaya ng sinabi mo sa isang interview n'yo na, 'Maghanda kayo. Babawi 'yan [si Sen. Alan Peter Cayetano] at hindi siya 'yong tipong settle things grace but instead burn the bridge when we get there?'" tanong ni Lourd.
“'Well, yes or no. Dahil at least na-resolve itong leadership crisis sa Senado at ‘yong pumalit, hindi siya [Gatchalian] medyo gano'n ka-antagonistic mismo sa minority,” saad ni Llamas.
“Ibig sabihin,” pagpapatuloy niya, “kung ilalagay mo diyang Senate President si Ping Lacson—na mas gusto kong Senate President dahil sanay sa bardagulan—e magpapatuloy 'yong intensity ng away.”
Dagdag pa ng political pundit, “Kung si Win Gatchalian ang nilagay mo ay medyo babalanse 'yan. At nag-send na filler sa minority na, 'Uy, usap na tayo.’”
Kaya naman ang pagkakatalaga umano kay Gatchalian bilang Pangulo ng Mataas na Kapulungan ay magandang “full chrome” para sa sitwasyon ng Senado na lubhang “polarized.”
Pero paglilinaw ni Llamas, hindi lang daw simpleng krisis sa personalities ang problema sa Senado kundi krisis na sa mismong institusyon.
Aniya, sa oras na magsimula umano ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, tiyak na magiging “antagonistic” muli ang banggaan ng mga senador.
Kaugnay na Balita: SP Win, kokontakin 'di pumapasok na Cayetano bloc!