Inihayag ni Sen. Risa Hontiveros na seryoso pa rin daw niyang kinokonsidera ang pagtakbo bilang Pangulo sa darating na Halalan 2028.
Matatandaang makailang beses nang inihayag sa publiko ni Hontiveros na nanatili siyang bukas sa posibilidad na tumakbo bilang Pangulo kung mangyayari daw ang kaniyang kondisyon na pipiliin siya mismo ng United Opposition.
KAUGNAY NA BALITA: 'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028!
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, bukas maging standard bearer ng oposisyon sa 2028
Kaugnay nito, matatandaan ring nauna nang opisyal na mag-anunsyo si Vice President Sara Duterte noong Pebrero 18, 2026, sa kaniyang pagtakbo bilang Pangulo sa susunod na eleksyon.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
Sa muling naging pahayag ni Hontiveros sa isinagawa niyang press conference nitong Biyernes, Hunyo 19, pinasalamatan muna niya ang kamakailang ikinasang programa ng Akbayan Partylist at iba pang grupo ng programang may temang “Risa Na!” bilang pagsuporta sa naturang senador sa susunod na halalan.
“Maraming salamat sa mga nag-express ng ganoong confidence sa akin,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “I am seriously considering it, preparing for that possibility.”
Ani Hontiveros, mahalaga raw para sa kaniya na makapili na sila ng pinakamalakas at mabuting kandidato para sa pagka-Pangulo na maaaring tanggapin ng taumbayan at mga botante.
“I think it is really necessary na magkaroon kami, from our ranks, ng strongest, best, most attractive, and hopeful offer sa ating mga kababayan at mga kapuwa botante,” aniya.
Anang senador, inaasahan daw niya na makakapagdesisyon na ang kanilang partido bago matapos ang 2026 o sa simula ng 2027 kung sino ang ipanlalaban nila sa pinakamataas na posisyon.
“I am looking forward to that moment na end of this year or at the very-very latest sana [sa] first quarter next year, magkaisa kami sa aming ranks around whoever will emerge as the strongest contender,” diin niya.
“Magkaisa kami. There can be only one para my fighting chance then laban,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Magdalo, itutulak presidential bid ni Sen. Risa!