July 23, 2026

Home BALITA National

Sen. Alan, binirang ‘tuta ng Malacañáng’ si Tito Sen at Sen. Raffy; Sen. Ping, aso raw!

Sen. Alan, binirang ‘tuta ng Malacañáng’ si Tito Sen at Sen. Raffy; Sen. Ping, aso raw!
Photo courtesy: Alan Peter Cayetano (FB), MB FILE PHOTO

Tumirada si Sen. Alan Peter Cayetano na tuta raw ng Palasyo sina Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Raffy Tulfo habang tuta naman daw ng asong si Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Sen. Erwin Tulfo. 

Sa naging pahayag ni Sen. Alan sa isinagawa nilang Fellowship Lunch at ni-live rin ng senador sa kaniyang Facebook page nitong Biyernes, Hunyo 19, 2026, sinabi niyang makikita raw ng publiko ang iba’t ibang diperensya ng mga kapuwa niya senador. 

Patutsada ni Sen. Alan, tinanggi pa raw ni Sen. Raffy ang akusasyong tuta sila ng Palasyo. 

“Makikita mo ‘yong diperensya nila, e. Sabi ni Raffy Tulfo, hindi daw sila Malacañáng. In other words, hindi sila tuta,” pagsisimula niya. 

Dikdik ni Sen. Alan, tuta naman daw ng palasyo sina Sen. Raffy at Tito Sen ngunit iba raw si Sen. Erwin dahil tuta raw ang huli ni Sen. Ping. 

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

“But doon po makikita ‘yong graduated and experienced. Bakit? Kasi si Sen. Tito Sotto and Sen. Raffy Tulfo, at least sila tuta ng Malacañáng,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Pero si Erwin Tulfo, tuta lang ni Lacson. Hindi siya tuta ng Malacañáng. Kasi nga may hawak sa kaniya si Sen. Lacson na alam sa kaniya.” 

“Sabi noong iba, kung sasabihin mong tuta, ano si Sen. Lacson? Hindi na po tuta si Sen. Lacson. Aso na po siya. Matagal na po siya,” diin niya. 

“Meron ding pong ‘asokaso.’ Ano ‘yong asokaso? Kapag tumahol ‘yong aso, kakasuhan,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang mga nabanggit ni Sen. Alan na kapuwa niya senador kaugnay sa ipinahayag niya. 

Matatandaang opisyal na inanunsyo ni Sen. Alan ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto bilang Senate President bago naganap ang Congress special session noong umaga ng Miyerkules, Hunyo 17. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Magaling naman sila mang-intriga eh!' Sen. Alan, bumanat sa patutsada sa kaniya ni Sen. Ping