July 23, 2026

Home BALITA National

'The cases were checked in for free!' Cebu Pacific, nilinaw aberya sa mga miyembro ng MSO

'The cases were checked in for free!' Cebu Pacific, nilinaw aberya sa mga miyembro ng MSO
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Roda De Leon (FB)

Sinagot ng Cebu Pacific Air ang nag-viral na post ng Production Manager ng tinaguriang pinakamatandang orchestra ng Pilipinas na Manila Symphony Orchestra (MSO) na si Roda De Leon kaugnay sa naging aberya ng naturang grupo sa kanilang airline. 

Matatandaang inihayag sa publiko ni De Leon noong Miyerkules, Hunyo 17, 2026, ang naging panghaharang sa kanila sa Cebu Pacific Airline dahil sa aberya sa mga bitbit nilang music instrument, partikular sa pagtatanggal ng mga violin case at pagbibitbit na lang ng mga miyembro ng kanilang biyolin at sa bow loob ng aircraft. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Lost a client:' MSO members, nagka-aberya sa bitbit na mga violin case sa Cebu Pacific Airline!

Sa ipinadala namang pahayag ni Erwin S. Colcol, Manager, Corporate Communications ng Cebu Pacific Airline sa Balita nitong Huwebes, Hunyo 18, nilinaw niyang raw kinumpiska ang violin cases ng mga miyembro ng MSO at na-check in daw ang iyon nang libre.

“We also want to make it clear that the violin cases were not confiscated. For violins that are too big for hand carry, their cases were checked in for free, while the instruments themselves were hand-carried,” pagsisimula niya. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Paalala ni Colcol, maaari daw talagang ilagay sa Cebu Pacific (CEB) Special Baggage ang mga musical instrument na lalampan sa pamantayan nila ng hand-carry size allowance. 

Aniya, maaari daw bilhin ng mga pasahero ang CEB Special Baggage sa proseso ng kanilang pagbo-book sa Cebu Pacific mobile app upang maproteksyunan nang maayos ang kanilang mga musical instruments sa durasyon ng kanilang flight, habang ang mga checked-in instrument naman daw ay dapat na nakalagay sa hard-shell case. 

Paglilinaw ni Colcol, “Instruments placed in soft cases or gig bags cannot be accepted for check-in, as these do not provide sufficient protection against damage.” 

Dagdag pa niya, “Aside from musical instruments, other items such as sports equipment, surfboards, religious items, and balikbayan boxes may also be checked-in through CEB Special Baggage.” 

Pagpapatuloy niya, sa isyu naman daw ng MSO, napayagan naman daw na bitbitin ng mga miyembro ang kanilang mga biyolin at bow sa loob ng eroplano at hindi na-delay ang kanilang flight. 

“Some violin cases met the hand-carry size limit of 56cm x 36cm x 23cm and were allowed onboard,” paliwanag niya. 

Giit ni Colcol, nakipag-ugnayan naman daw ang mga kawani ng kanilang airline sa mga miyembro ng MSO na lumampas sa kanilang pamantayan upang magbigay ng praktikal na solusyon. 

“For violins that exceeded the size limit, our airport team worked with the passengers to find a practical solution. The violin cases were checked in free of charge, while the instruments themselves were carefully hand-carried by the passengers into the cabin,” depensa niya. 

Pagpapatuloy ni Colcol, naiintindihan naman daw ng kanilang airline na personal na mahalagang instrumento ng mga miyembro ng MSO ang kanilang mga biyolin at hinihikayat nila ang lahat ng kanilang mga pasahero na tingnang maigi ang kanilang baggage size requirements bago mag-book ng flight.