July 23, 2026

Home BALITA National

Mayor Leni, pinasalamatan PBBM admin sa pagbibigay ng tahanan sa mga homeless!

Mayor Leni, pinasalamatan PBBM admin sa pagbibigay ng tahanan sa mga homeless!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, PCO

Pinasalamatan ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo ang pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil sa agresibo raw nitong pagbibigay ng pabahay sa mga walang tirahang Pilipino.

Sa naging pahayag ni Robredo sa panayam sa kaniya ng media nitong Huwebes, Hunyo 18, 2026, sinabi niyang bahagi ng kaniyang pagpapasalamat ang programang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng administrasyon ng Pangulo. 

Ani Robredo, agresibo raw talaga ang pag-implementa ng administrasyon ng Pangulo sa pagbibigay ng tirahan sa mga walang matuluyang Pilipino hindi raw kagaya noon. 

“Nagpapasalamat tayo sa national government. Bahagi ito ng programa ng administrasyon ni President Bongbong Marcos na talagang aggressive na pamahay para sa mga walang bahay,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “For a very long time, hindi natin nakita na ganitong ka-aggressive ‘yong national government as far as ang housing ang concern.” 

National

Accomplishments ng PBBM admin, hindi mawawala sa SONA—Palasyo

Pagpapatuloy ni Robredo, pangunahing problema nga raw niya noong nakaupo pa siya Human Settlements Data System Initiative ang kawalan ng pondo sa pagpapatayo ng bahay, ngunit makikita raw sa kasalukuyang pamahalaan na nagagamit nila nang maayos ang kanilang pondo. 

“In fact, noong nakaupo ako sa HUDSI halos walang budget for housing. Pero ngayon, nakikita natin na ‘yong budget for housing, nama-maximise na nila,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag o tugon ang Pangulo kaugnay rito dahil kasalukuyan siyang nasa Russia upang makipagpulong kay Russian President Vladimir Putin.

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Leni, ibinida ang bagong mental health hub ng Naga