Binira ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang naging pahayag ni Davao 1st district Rep. Paolo Duterte hinggil sa umano’y arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kina Sen. Bong Go at dalawang dating pulis.
Sa panayam ng media kay Remulla nitong Huwebes, Hunyo 18, 2026, iginiit ni Remulla na tila sabog lang daw ang mambabatas hinggil sa naturang pahayag.
“Baka sabog siya no'ng na narinig n'ya, wala paking nakikitang ganoon eh [ICC warrant],” saad ni Remulla.
Tinanong din ng media kung may karapatan si Duterte na makakita ng arrestw arrant mula sa ICC.
“'Di ko nga alam eh, kaya nga baka sabog no'ng sinabi n'ya eh. Kasi siya lang nakakita noon eh,” anang kalihim.
“Nang iginiit ng media ang naging pahayag ni Duterte hinggil sa "highly reliable source," saad ni Remulla, "Baka high lang.”
Matatandaang noong Miyerkules, Hunyo 17, nang ibinahagi ni Duterte sa isang Facebook post ang umano’y panibagong arrest warrant ng ICC laban naman kina Sen. Go.
“A highly reliable source informed me that ICC arrest warrants against Senator Bong Go and two former police officers have already been issued. Wala na ba talagang katapusan ang administrasyong ito sa paggamit ng ICC bilang political weapon laban sa kanilang mga kalaban?” saad ng mambabatas.
Samantala, kaugany pa rin ng usapin ng umuugong na arrest warrant laban kina Go, nauna na ring itinanggi ni dating senador Antonio Trillanes IV na hindi ito totoo.
“Wag kayo magpapaniwala dyan kay Pulong,” pagsisimula niya. “Wala pang ICC warrant na lumabas para kanino man.”
KAUGNAY NA BALITA: Trillanes sa ICC arrest warrant vs Sen. Go: 'Wag kayong magpapaniwala d'yan kay Pulong!'