July 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sharon, nanggigil sa pagdawit kay Sen. Kiko: 'Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!'

Sharon, nanggigil sa pagdawit kay Sen. Kiko: 'Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!'
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshot from Mike Defensor (FB)

Galit na galit si Megastar Sharon Cuneta sa pagkakadawit ng mister na si Sen. Kiko Pangilinan, sa isyu ng mga mambabatas na umano'y nabigyan din ng maleta-maletang pera, na idineliver ng mga dating bagmen ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, sa isinagawang press conference na inorganisa ni dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor noong Martes, Hunyo 16.

Sa nabanggit na presscon, ipinakita ang isang larawan ni Sen. Kiko kasama

Sa kaniyang social media posts, sinabi ni Mega na "sinungaling" ang mga nagkokonekta sa kaniyang asawa sa isyu ng katiwalian sa pamahalaan, lalo na sa mga umano'y ipinadadalang male-maletang pera.

"MGA SINUNGAAAALING!!!!!!! SOBRA TALAGA KAYO!!!!! I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko. Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin SA MARAWI PA???!!!" mababasa sa post ni Shawie.

"Ang kakapal ng mukha ninyo talaga sukdulan!!! Eto nagtetaping pa ako ngayon-nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban ng patas, dahil lahat ng meron kami, PINAGHIHIRAPAN NAMIN!!! Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!!!"

Tsika at Intriga

Sigaw ni Brent Manalo: 'No to Pax Silica!'

"Kaya sabi nga nila, KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW!!! Bahala na ang PANGINOONG Diyos sa inyo. ALAM NIYA KUNG SINO ANG TOTOONG SUMUSUNOD AT SUMASAMBA SA KANYA!!! WALA KAYONG KWENTANG TAO!!!" aniya pa.

Bago si Mega, nauna nang naglabas ng kaniyang pahayag si Pangilinan tungkol sa pagkakabanggit sa kaniyang pangalan, at pagpapakita ng larawan niya kasama ang misis.

""Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas," saad ng senador.

Ayon kay Pangilinan, naniniwala siyang layunin lamang ng mga paratang na sirain ang kaniyang kredibilidad kasunod ng mga ulat tungkol sa kaniyang pag-upo bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na magsasagawa ng imbestigasyon sa umano'y flood-control scam.

"Gusto lang mantsahan ang naiulat na pag-upo ko bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa flood-control scam," aniya.

Iginiit din ng senador na wala umanong kahit katiting na ebidensya na mag-uugnay sa kaniya sa mga alegasyong may kinalaman sa mga maleta at sa umano'y nawawalang pondo ng gobyerno.

"Wala ni katiting na basehan ang mga tangkang pagdungis sa aking pagkatao ng mga nagpa-presscon tungkol sa mga maletang kaugnay sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan," dagdag niya.

Lalong umigting ang reaksiyon ni Pangilinan matapos umanong madamay maging ang kanyang pamilya sa isyu.

Dahil dito, nagbabala siyang hindi na lamang siya sasagot sa pamamagitan ng mga pahayag sa publiko kundi maghahain na ng kaukulang reklamo sa korte laban sa mga responsable.

"At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo," diin niya.

Sa sumunod na post sa X, dito na nanggalaiti si Pangilinan at tiniyak na kakasuhan niya ang mga nabanggit na dating bagmen ng solon.

"Anong basura na ebidensya yan na may picture? Na isasama ang buong pamilya para tumanggap ng suhol tapos mapapapicture pa sa mga tao pagkatapos? Ginagago ninyo ang taumbayan," saad sa X post ni Pangilinan.

"Walang kwenta. Kagaguhan. Kasinungalingan. Humanda kayo sa mga kasong isasampa laban sa inyo," aniya pa.

Maki-Balita: Sen. Kiko, kakasuhan mga nandawit sa kaniya sa maleta: 'Ginag*go ninyo ang taumbayan!'