Nagbigay ng paalala si Sen. Robin Padilla sa mga kapuwa niya senador kung kanino ba talaga nabibilang ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.Sa latest Facebook post ni Sen. Robin nitong Martes, Hunyo 16, sinabi niyang pagmamay-ari umano ng mga sibilyan ang Senado.
Aniya, “Mga kasamang senador, ‘wag niyo sana makalimutan na pag aari ng mga Pilipino lalo ng mga sibilyan ang Senado, ‘wag po ninyong itrato na kampo tayo ng sundalo.”
Ito ay sa gitna ng umiigting na tensyon sa Senado na ang mga miyembro ay kasalukuyan pa ring watak-watak.
Matatandaang sa isang Facebook post ni dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor kamakailan, inanunsiyo niya na magsasagawa sila ng sariling pagdinig ng Blue Ribbon Committe sa Doublegem EDSA Garden Events Place ngayong Martes, Hunyo 16.
Kaugnay na Balita: Buong pwersa ng admin, ginigipit ang mga naninindigan sa katotohahan—Sen. Imee