July 20, 2026

Home BALITA

Buong pwersa ng admin, ginigipit ang mga naninindigan sa katotohanan—Sen. Imee

Buong pwersa ng admin, ginigipit ang mga naninindigan sa katotohanan—Sen. Imee
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB), via MB

Naglabas ng pahayag si Sen. Imee Marcos matapos maiulat na hindi umano matutuloy ang pagpupulong kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa pangunguna ni Sen. Rodante Marcoleta.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Martes, Hunyo 16, sinabi niyang hindi na umano maitatago pa ang panggigipit ng administrasyon sa mga indibidwal na naninindigan para sa katotohanan.

“Lantaran na po ang buong pwersa ng administrasyon sa panggigipit sa mga naninindigan para sa katotohanan,” saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “Kami pong mga senador na unang sumubok na ilatag ang buong katotohanan sa bansa ay nagpulong at nagkasundong magdesisyon na isinasaalang-alang ang kaligtasan ng aming mga pamilya at opisina nang hindi iwinawaksi ang pananagutan namin sa bayan.”

Kaya naman hinikayat ng senadora ang bawat Pilipino na mas maging mapagmatyag at labanan ang mga aksyong pumipigil sa karapatan at kalayaan.

National

Mga krimen, naha-highlight dahil nababalita sa media—Palasyo

"Tayo ay magpahayag at makilahok sa mga mapayapa at mahinahong pagkilos upang maipaabot natin sa administrasyon ang ating pandidiri sa garapal at walang puknat na oras-oras, araw-araw at linggo-linggong panggigipit, pananakot, pagbabanta sa mga walang ibang nais kundi ilabas ang katotohanan," dugtong pa ni Sen. Imee. 

Samantala, inanunsiyo naman ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) na tuloy pa rin ang Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw, Hunyo 16.

Kaugnay na Balita: Event place sana ng Blue Ribbon hearing, wala raw kaugnayan kina Defensor at 18 ex-bodyguards!