Nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Davao City para sa mga lugar at residenteng naapektuhan ng malagim na magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa ibaât ibang lalawigan sa Mindanao noong Lunes, Hunyo 8.
Batay sa ulat na ibinahagi ng City Government of Davao nitong Martes, Hunyo 16, ang naturang lokal na pamahalaan ay naghandog ng 4,000 kahong welfare goods at 3,000 one-liter water bottles para sa mga tinamaan ng lindolâkabilang na ang General Santos City, Sarangani, at Jose Abad Santos.
Ayon pa sa kanila, pinangunahan nila ang nasabing relief operationâkatuwang ang mga personnel mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Engineerâs Office (CEO), City Mayorâs Office (CMO), Security Cluster, at iba pang frontline offices.
âThis assistance forms part of the City Government of Davaoâs support for the ongoing relief and recovery efforts in areas severely affected by the magnitude 7.8 earthquake last week, which displaced and affected thousands of families across the region,â saad ng City Government of Davao.
Maliban sa Davao City, isa rin ang lalawigan ng Cebu sa mga agarang nagpadala ng tulong para sa mga niyanig ng malakas na lindol sa Mindanao.
Naghandog ang naturang probinsya ng â±10 milyong financial assistance para sa General Santos City matapos ang magnitude 7.8 na lindol.
MAKI-BALITA: â±10 milyong âcalamity assistance,â tulong ng Cebu sa General Santos City-Balita