Kapansin-pansin na hindi kasama ang pangalan ng dalawang miyembro ng Cayetano bloc na sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Mark Villar sa listahan ng mga petitioner na naghain ng petisyong Petition For Certiorari and Prohibition at humiling ng Status Quo Ante Order sa Korte Suprema nitong Martes, Hunyo 16, 2026.
Aabot lamang sa siyam na mga senador mula sa Cayetano bloc ang naghain ng naturang petisyon sa Korte Suprema laban sa naganap na quorum noong Hunyo 3, 2026, at tumayo bilang Senate Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian.
Makikita rin sa listahan ng tinutuligsa ng mga petitioners mula sa Cayetano bloc na kahanay na ng pangalan ng Gatchalian bloc o bagong Senate majority bloc si Sen. Chiz Escudero na mula sa paksyon nina Sen. Alan Peter Cayetano at tila naging dahilan para makakuha ng quorum sa Senado noong Hunyo 3.
Narito ang listahan ng mga senador at abogadong tumayo bilang petitioners sa hiling nilang mawalan ng bisa ang kinasang quorum noong Hunyo 3:
Sen. Alan Peter Cayetano
Sen. Loren Legarda
Sen. Pia CayetanoSen. Jinggoy Estrada
Sen. Bong Go
Sen. Rodante Marcoleta
Sen. Imee Marcos
Sen. Robin Padilla
Sen. Camille Villar
Atty. Jose Luis G. Montales
Habang narito naman ang listahan ng mga tinutuligsang senador, abogado, at Senate Sergeant-at-Arms ng Cayetano bloc:
Sen. Bam Aquino Sen. JV Ejercito
Sen. Chiz Escudero
Sen. Win GatchalianSen. Risa Hontiveros
Sen. Ping Lacson
Sen. Lito Lapid
Sen. Kiko Pangilingan
Sen. Tito Sotto III
Sen. Erwin Tulfo
Sen. Raffy Tulfo
Sen. Migz Zubiri
Atty. Renate N. Bantug, Jr. as Senate Secretary
Ret. PMGen. Alfredo S. Copus as Sergeant-at-Arms
Sa naturang petisyon ng Cayetano bloc, mababasang mariin daw nilang hindi pinapayagan ang malinaw na paglabag ng mga miyembro ng Gatchalian bloc sa Konstitusyon.
Dahil dito, hinihiling nila sa Korte Suprema na maglabas ng Status Quo Ante Order kung saan layunin nitong mausyami ang mga nakuhang liderato at pamumuno sa Komite ng mga miyembro ng Gatchalian bloc magmula noong Hunyo 3, 2026.
Pagpapatuloy nila, dapat din daw na ituring ng mga kawani ng Senado na sina Cayetano pa rin ang ituturing na Senate President, si Legarda pa rin ang ituturing na Senate President Pro Tempore, at si Atty. Jose Luis Montales pa rin daw ang mananatiling Senate Secretary hanggang hindi pa nakakapaglabas ng desisyon ang Korte Suprema.
KAUGNAY NA BALITA: Cayetano bloc, naghain ng petisyon sa SC; humiling ituring SP si Cayetano, SP Pro Tempore si Legarda!