July 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vince, nakaharap na si Charo: 'Bati na po kami!'

Vince, nakaharap na si Charo: 'Bati na po kami!'
Photo courtesy: Vince Maristela (IG)

Ibinida ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition season 1" ex-celebrity housemate at Kapuso artist na si Vince Maristela ang pagkikita nila ni dating ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio sa ginanap na ball ng isang sikat na lifestyle magazine kung saan dumalo silang dalawa.

Ipinagmalaki nga ni Vince na nagkita na sila at nag-usap pa ng aktres at host ng longest-running drama anthology ng Pilipinas, ang "Maalaala Mo Kaya" o MMK."

"Goodmorning bati na po kami hehe," saad ni Vince sa post.

"Congratulations, Ma’am @charosantos Thank you for inspiring many generations of artists. A legend. An icon," aniya pa.

Sa comment section, marami sa mga netizen ang nangalampag sa ABS-CBN na sana raw, magkaroon ng exposure si Vince sa MMK, kung sakali mang papayagan ng Sparkle GMA Artist Center.

Tsika at Intriga

Hula kay Bea Alonzo sa tarot cards tungkol sa kasal niya, nagkatotoo?

"I believe people are now wishing an MMK episode starring @vincemaristela . And solid if pati Mam @charosantos in one heart-touching story. Vince is so good in drama too."

"MMK episode next, puh-lease."

"OMGG LAROOOSHIIII."

"Nilaro mo kami lahat haha!"

"Galing ka na nyan sa office?"

"HAHAHA.... Ayusin mo @vincemaristela mapapatawag ka ulit nyan ni mam @charosantos HAHAHAHA."

Matatandaang naglaro kasi sa "Laro Laro Pick segment" ng noontime show na "It's Showtime" ang ilan sa PBB celeb collab housemates, kabilang na rin si Vince.

Para kay Vince, ang natapat na tanong ay "Letter C na host ng Maalala Mo Kaya."

Sagot ni Vince ay si Cory Vidanes na isa sa mga ehekutibo ng Kapamilya Network.

Natawa naman si Vice Ganda, Jhong Hilario, at maging ang madlang people studio audience sa naging sagot ni Vince.

"Miss Annette [Gozon-Valdes], si Vince oh, playtime!" natatawang sumbong ni Vice Ganda sa executive ng GMA Network.

"Kasi ito yung pinakamadaling tanong dito," sundot pa ni Vice Ganda. "Grabe ka, hindi ba nanonood ng MMK ang mga La Sallista?"

"MMK, Maalaala Mo Kaya, longest-running drama anthology sa Pilipinas 'yan. 20+ years tumakbo 'yan, bata ka pa lang, hindi ka pa pinapanganak, hanggang sa nagbinata ka na, Maalaala Mo Kaya... yung nagbabasa ng sulat.. letter C..."

"Coco Martin..." sundot na biro na lang ni Vice Ganda.

Nang magbigay ng clue na ang apelyido nito ay "Santos," dito na nasambit ni Vince ang "Ma'am Charo."

"Charo Santos ang host ng Maalaala Mo Kaya," saad ni Vice Ganda.

Kaya naman, matapos ang Showtime, napa-FB reels na lang tuloy si Vince habang nag-e-emote sa loob ng kotse, sa saliw ng theme song ng MMK.

Samantala, nakarating naman kay Charo ang nabanggit na episode, at pabiro niyang sinabing pinapatawag niya sa opisina si Vince.

"Hi Vince, please go to my office," pabirong sabi ni Charo.

Kalaunan, sinabi ni Charo na "funny" ang nangyari sa It's Showtime matapos niyang i-share ang video clip nito sa kaniyang Instagram account.

"Hello! Nice to meet you, too, @vincemaristela!"

Sa comment section, pabirong sumagot naman si Vince na kung puwede siyang magpasama sa GMA executive na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

"Pwede po ba mag pasama kay Ms. @annettegozonvaldes ?" aniya.

Maki-Balita: Nagkamali sa MMK host: Charo, 'pinapunta sa office' niya si Vince!