Inamin ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings na malaki ang naging epekto sa kaniyang buhay at karera ng hit teleseryeng "Can't Buy Me Love" nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, kung saan ginampanan niya ang karakter na si Snoop, ang matalik na kaibigan ng karakter dito ni Donny na si "Bingo."
Sa panayam kay Madam Kring Kim, sinabi ni Anthony na itinuturing niyang pinakamalaking break sa kaniyang showbiz career ang naturang serye dahil dito nagsimulang dumagsa ang mga proyekto at endorsement na natanggap niya.
Ayon sa aktor, hindi niya inaasahan ang laki ng naging pagtanggap ng publiko sa kaniyang karakter at sa biglaang tambalan nila ni Maris Racal bilang Snoop at Irene.Maki-
Maki-Balita: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens
Maki-Balita: Iconic 'mama mo' scene nina Maris Racal at Anthony Jennings, wala raw sa script
"Umabot sa ulo ko yun eh, feeling ko sikat ako, ganiyan," pag-amin ni Anthony.
Aniya, hindi naman talaga para sa kaniya ang papel na Snoop noong una. Isang araw bago ang shooting ay tinawagan lamang siya at tinanong kung kaya niyang gampanan ang naturang karakter. Hindi na raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil sa tiwala niya sa direktor na si Mae Cruz-Alviar.
Inaral umano niya nang mabuti ang papel at naging inspirasyon pa niya ang ilan sa kaniyang mga kaibigang lumaki sa lansangan upang mabigyang-buhay ang karakter.
Dahil sa tagumpay ng serye, nakaranas si Anthony ng biglaang pagsikat. Gayunman, inamin niyang may mga pagkakataong naapektuhan nito ang kaniyang pag-uugali.
Bagama't hindi naman umano siya naging lubos na mayabang, napansin niyang nagbago ang kaniyang pananaw sa ilang bagay.
"May mga gathering na hindi ko sinisipot kasi iniisip ko, masyado kang busy para diyan," kuwento niya.
Dagdag pa niya, kaya naman sanang paglaanan ng oras ang mga simpleng pagtitipon ngunit dahil sa kasikatan ay nagkaroon siya ng ibang pagtingin sa kaniyang sarili.
Nagpasalamat din si Anthony sa Can't Buy Me Love dahil dumating ito sa panahong sariwa pa ang pagpanaw ng kaniyang ama.
Samantala, sinabi rin ng aktor na naging mahalagang aral sa kaniya ang mga kontrobersiyang kinaharap noong 2024, kabilang ang mga isyung lumutang kaugnay ng mga screenshot na inilabas ng kaniyang dating kasintahan na si Jam Villanueva at nag-ugnay sa kaniya kay Maris.
Ayon kay Anthony, isa-isa niyang hinarap at inayos ang mga isyung ibinato laban sa kaniya. Sa panahong iyon, pansamantala rin siyang lumayo sa social media upang mas mapakinggan ang mga taong tunay na nakakakilala sa kaniya bago pa man siya sumikat.
"Ngayon, nawala na 'yon, binabago ko na yung sarili ko," aniya.
Dahil sa mga pinagdaanang pagsubok, sinabi niyang mas naging mapagpakumbaba at mapagpasalamat siya sa buhay. Lubos din ang kaniyang pasasalamat sa pamilya na hindi umano siya iniwan sa "dark times" ng kaniyang buhay.
Maki-Balita: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Sa kabila ng mga kontrobersiya, nananatiling abala si Anthony sa iba't ibang proyekto at patuloy na bumabangon mula sa mga hamong kaniyang hinarap sa personal at career.
Maki-Balita: Anthony Jennings, kahit halfie, buong-buong Pinoy pa rin: 'Natuli ako!'