July 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anthony Jennings, kahit halfie, buong-buong Pinoy pa rin: 'Natuli ako!'

Anthony Jennings, kahit halfie, buong-buong Pinoy pa rin: 'Natuli ako!'
Photo courtesy: Screenshot from Think Talk Tea (YT)

Aliw ang naging panayam ni Kring Kim sa Kapamilya star na si Anthony Jennings sa kaniyang podcast na "Think Talk Tea" kung saan naglahad ang aktor ng ilan sa mga detalye ng kaniyang buhay.

Isa nga rito, ang paglalahad ni Anthony na isa siyang "halfie" o isang Pilipinong may dugong dayuhan.

Sa kaso ni Anthony, isa raw siyang half-Pinoy, half-British dahil ang tatay niya ang taga-UK, pero naniniwala raw siyang buong-buong Pilipino siya dahil sa isang ginawa sa kaniya, na tipikal naman sa mga lalaki sa Pilipinas.

Ito ang pagdaan sa proseso ng pagtutuli o circumcision.

"Dito na ako lumaki, feeling ko naman buong-buong Pilipino ako, kasi natuli ako," natatawang sabi ni Anthony.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Hindi naman napigilan ni Kring na matawa sa sinabi ni Anthony, at sinabing ang husband daw niya ay tuli naman.

"Usually kasi 'di ba, siyempre foreigner..." sundot na paliwanag naman ni Anthony.

Pag-amin ni Anthony, tumira lang siya sa United Kingdom pero hindi siya lumaki roon dahil ang childhood niya, dito na sa Pilipinas, lalo na sa probinsya ng Rizal.

Doon na raw natutunan ni Anthony kung paano magsalita ng wikang Tagalog at "pangkanto" dahil sa mga nakasalamuha niyang kalaro.

Ang tatay niyang Briton ay isang engineer sa isang construction site na lagi ring umaalis dahil sa iba't ibang sites na pinupuntahan nila.

Nang matanong naman si Anthony kung may side ba sa kaniya na lumalabas ang pagka-Briton, tulad ng kapag nakababad siya sa araw, namumula lang siya at hindi nangingitim.

Bukod dito, nasasarapan din ang aktor sa pagkain ng pork and beans na tipikal na kinakain ng mga taga-Europe, lalo na sa UK.

Pero masasabi rin talaga ni Anthony na talagang mas nananaig sa kaniya ang dugong Pilipino at mas gusto raw niyang manirahan sa Pilipinas, kahit na nakita na niya ang ibang parte ng Europa.

"Sana mapaganda natin yung Pilipinas," natatawang sundot pa ni Anthony.

"Kasi ang ganda talaga ng Pilipinas. Nakapunta na ako sa ibang part ng Pinas eh," aniya pa.

Sa nabanggit na panayam, inamin naman ni Anthony na isa sa mga kinikilala niyang project na talagang tumatak sa kaniya ay ang seryeng "Can't Buy Me Love" kung saan napansin ang kaniyang acting skills bilang si "Snoop" at katambal ni Maris Racal.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Anthony dahil dito matapos ang naging pagsisiwalat ng dati niyang ex-girlfriend sa naging umano'y affair nila ni Maris, sa pamamagitan ng pag-post ng ilang screenshots. noong 2024, sa kaputukan ng kanilang kasikatan bilang "SnoRene" o tawag sa tambalan nila. 

Maki-Balita: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris