July 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Celeste Cortesi, nagsalita sa status nila ng jowa; Bianca Manalo dehins dawit?

Celeste Cortesi, nagsalita sa status nila ng jowa; Bianca Manalo dehins dawit?
Photo courtesy: Celeste Cortesi (IG), Bianca Manalo (FB)

Naglabas ng pahayag si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa kaniyang Instagram matapos baliin ng Sparkle GMA Artist Center ang mga kumakalat na tsismis na may koneksyon si Binibining Pilipinas Universe 2009 at Kapuso actress Bianca Manalo tungkol sa isang magkarelasyon.

Matatandaang inihayag ng Sparkle sa kanilang Facebook page noong Biyernes, Hunyo 12, 2026, na “single and not in any relationship” ang status ni Bianca matapos siyang makaladkad sa online world na naging dahilan ng paghihiwalay ng hindi nilang tinukoy na isang relasyon.

KAUGNAY NA BALITA: 'Single and not in any relationship!' Sparkle, rumesbak sa 'third-party' isyu ni Bianca Manalo

Matapos nito, bigla namang nag-story si Celeste sa kaniyang IG noong gabi ding gabi ng Biyernes, kung saan makikita ang larawan niya kasama ang boyfriend na big-time software developer na si Jonathan Sterling.

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Celeste ang anak nila ni Jonathan na pinangalanan nilang si “Sergio.”

Tsika at Intriga

Walang kadala-dala? MTRCB, kinalampag ulit dahil kay Vice Ganda

Ani Celeste, nanatili pa rin daw maayos ang kanilang relasyon ni Jonathan at nakatuon daw sila sa pag-aalaga sa kanilang anak at masuportahan ang kanilang pamilya.

“Jonny and I are good. Our focus remains on caring for our child, Sergio, and supporting our family,” pagsisimula niya.

Screenshot mula sa IG story ni Celeste.

Diin ni Celeste, may mga sitwasyon daw kung saan higit na kinakailangan ang konsiderasyon at pagrespeto lalo na raw kung may nadadawit na isang bata.

“I believe some situations call for greater consideration and respect, especially when a child and family are already involved,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Our priority is our family, and that is where our time, energy, and attention will remain.”

Ani Celeste, dapat daw na problemahin na lang mga tao ang sari-sarili nilang buhay at kumalma na sa kaniyang inilabas na pahayag.

“With that said, people can now relax and focus on their own lives instead,” pagtatapos niya.

Hindi naman direktang binanggit ni Celeste kung totoo ang tsismis ng netizens tungkol sa kaugnayan ni Bianca sa kanilang relasyon.

Habang isinulat ito, wala rin naman inilalabas na pahayag si Bianca, bagkus, nagawa lang niyang ibahagi sa kaniyang profile ang naging pagdepensa sa kaniya ng Sparkle noong Biyernes.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?