Sinaway ni Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles men’s volleyball player Aimar Okeke ang mga content creator na gumagawa ng video para pagkakitaan ang trahedyang nangyari sa dalawang schoolmate niyang sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa Instagram story ni Aimar noong Martes, Hunyo 9, mababasa ang kaniyang himutok sa mga content creator na aniya’y binabastos ang alaala ng dalawang namayapang manlalaro.
"I'm not even fucking sure you said a prayer for the two kids, yet you set up your mic in your stupid fuckery of a podcast to disrespect two dead kids with a fucking grin on your stupid faces,” saad ni Aimar.
Dagdag pa niya, “How disgustingly inhumane and insensitive can you stupid content creators can be? Please, has fame and engagement gotten so ingrained in your brain that dead is something you wanna feed off from?”
Kaya naman, ang panawagan niya, kung hindi alam ang buong detalye sa kuwento ng trahedya nina Rene at Divine, huwag nang banggitin pa ang pangalan ng dalawa sa mga content para lang makahakot ng likes at subscribers.
Matatandaang ayon sa Ateneo de Manila University (AdMU), pagkalunod umano ang sanhi ng pagkamatay nina Rene at Divine sa isinagawang team-building ng kanilang kupunan sa Dipaculao, Aurora, noong hapon ng Lunes, Hunyo 8, 2026.
Ngunit kinuwestiyon ng ina ni Rene na si Rovelyn Baterbonia ang uri ng training na ipinagawa sa mga manlalaro.
“Akala ko training lang. Hindi military training! Ano ba ‘yon?” anang ina ni Rene sa panayam ng media.
Samantala, tiniyak naman ng AdMU na magbibigay sila ng suporta at assistance para sa pamilya ng mga nasawing player.
Maki-Balita: Ateneo, nagluluksa sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili; magbibigay ng suporta, assistance sa pamilya