July 15, 2026

Home BALITA Metro

LRT-1, may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan!

LRT-1, may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan!
Photo courtesy: MB


Inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na mayroon na ring libreng sakay ang Light Rail Transit Authority - LRT Line 1 sa darating na Biyernes, Hunyo 12, 2026.

Handog ito ng LRMC kasabay ang paggunita at pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sa anunsyong ibinahagi ng LRT-1 LRMC sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Hunyo 10, ang libreng sakay daw na ito ay layong bigyan ng mas madaling paraan ang mga pasahero na bisitahin ang mga makasaysayang lugar malapit sa mga istasyon ng LRT-1.

Isasagawa naman ang libreng sakay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga; at magpapatuloy ng 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Anang LRT-1, ipatutupad din sa nasabing araw ang holiday schedule ng tren—kung saan magsisimula ang biyahe sa Dr. Santos Station at Fernando Poe Jr. Station sa dakong 5:00 ng umaga, habang magtatapos naman ang una ng 9:30 ng gabi at 9:45 ng gabi naman ang huli.

Nauna nang ianunsyo ng LRT-2 na mayroon din itong libreng sakay sa parehong araw at oras.

MAKI-BALITA: LRT-2, may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan-Balita