Usap-usapan ng mga netizen ang maling sagot ni "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" season 1 Kapamilya housemate at "The Secret of Hotel 88" star Bianca De Vera, sa jackpot round ng segment na "Laro Laro Pick" ng noontime show na "It's Showtime."
Sa episode nitong Miyerkules, Hunyo 10, ang mga naglaro sa nabanggit na segment ay dating celebrity housemates ng PBB Celeb Collab at cast members ng nabanggit na serye, na collaboration sa pagitan ng ABS-CBN, GMA Network, at Star Creatives.
Sa dulo, ang naiwan na lamang ay si Bianca, at ang tanong sa kaniya ng host na si Vice Ganda, kung saang bansa matatagpuan ang kauna-unahang "Big Brother."
Para sa mga hindi nakakaalam, ang PBB ay franchise mula sa orihinal na Big Brother.
Nagbigay ng clue si Meme Vice na matatagpuan ito sa bansa kung nasaan naroon ang headquarters ng ICC o International Criminal Court, kung saan naman naka-detain si dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa kasong crimes against humanity, na may kinalaman sa umano'y madugong war on drugs sa Pilipinas noong panahon ng kaniyang administrasyon.
Pero sa halip na "The Netherlands" ang sabihin, ang isinagot ni Bianca ay "United States of America," at humirit pa ng "United Kingdom."
Inulan naman ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen at kinuwestyon ang aktres kung aware daw ba siya sa mga nangyayari sa Pilipinas, dahil sa ibinigay na clue ni Meme.
"May hint na nga eh, halatang wala alam sa politics. Pero Ang ganda mo parin."
"Ganda lang talaga"
"Ito n nga sinasabi Ni vice G, uulanin k tlga ng bash kpg nagkamali k Lalo n s madaling Tanung haha. HND tlga xa madaling Tanung, dahil s clue kaya naging madali xa haha."
"Nakakagigil may clue na nganii ng ICC headquarters kapag updated ka sa mga news/politics alam mo na yun (Netherlands) hindi ata to updated sa nangyayari sa mundo hay nalang bianca! Taga saan kaba? Sa Mars? HAHAHAHAHA."
"Kung walang clue mahirap naman talaga marami kasi dito mga feeling matalino."
"icc ngani trending na trending sa ph. hahaha."
"May nabanggit na ngang ICC jusko hahaha."
"Daming feeling matalino rito, jusme!"
Samantala, bukod kay Bianca, usap-usapan din si Vince Maristela dahil sa maling sagot niya kung sino naman ang host ng longest-running drama anthology sa Pilipinas, ang "Maalaala Mo Kaya" o MMK.
Imbes kasing "Charo Santos" ang isagot, si ABS-CBN executive Cory Vidanes ang binanggit niya.
Maki-Balita: Hindi naalala? Vince Maristela, nagkamali ng sagot kung sino ang host ng MMK
Samantala, wala pang reaksiyon at komento ang kampo ni Bianca tungkol dito.