July 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hindi naalala? Vince Maristela, nagkamali ng sagot kung sino ang host ng MMK

Hindi naalala? Vince Maristela, nagkamali ng sagot kung sino ang host ng MMK
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime (FB)/Maalaala Mo Kaya (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang naging sagot ni "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" season 1 at "The Secrets of Hotel 88" Kapuso star Vince Maristela sa segment ng "Laro Laro Pick" sa noontime show na "It's Showtime," sa kung sino ang host ng drama anthology na "Maalaala Mo Kaya" o MMK ng ABS-CBN.

Ang MMK ay itinuturing na longest-running drama anthology sa bansa, na hino-host ni dating ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio, sa pamamagitan ng "letter-sender style."

Naglaro kasi sa Laro Laro Pick segment ang ilan sa PBB celeb collab housemates at cast members ng nabanggit na serye.

Para kay Vince, ang natapat na tanong ay "Letter C na host ng Maalala Mo Kaya."

Sagot ni Vince ay si Cory Vidanes na isa sa mga ehekutibo ng Kapamilya Network.

Tsika at Intriga

Joy Barcoma, kinawindangan sa 'chinuchunap' niya

Natawa naman si Vice Ganda, Jhong Hilario, at maging ang madlang people studio audience sa naging sagot ni Vince.

"Miss Annette [Gozon-Valdes], si Vince oh, playtime!" natatawang sumbong ni Vice Ganda sa executive ng GMA Network.

"Kasi ito yung pinakamadaling tanong dito," sundot pa ni Vice Ganda. "Grabe ka, hindi ba nanonood ng MMK ang mga La Sallista?"

"MMK, Maalaala Mo Kaya, longest-running drama anthology sa Pilipinas 'yan. 20+ years tumakbo 'yan, bata ka pa lang, hindi ka pa pinapanganak, hanggang sa nagbinata ka na, Maalaala Mo Kaya... yung nagbabasa ng sulat.. letter C..."

"Coco Martin..." sundot na biro na lang ni Vice Ganda.

Nang magbigay ng clue na ang apelyido nito ay "Santos," dito na nasambit ni Vince ang "Ma'am Charo."

"Charo Santos ang host ng Maalaala Mo Kaya," saad ni Vice Ganda.

Kaya naman, matapos ang Showtime, napa-FB reels na lang tuloy si Vince habang nag-e-emote sa loob ng kotse, sa saliw ng theme song ng MMK.