“LET THE WHOLE SENATE STAND WITH MINDANAO”
Handa raw ilaan ng lahat ng mga miyembro ng bagong Senate Majority bloc na pinangungunahan ni Senate President Pro Tempore Sherwin “Win” Gatchalian ang kanilang isang buwang suweldo para itulong sa mga naapektuhan ng mapaminsalang lindol sa Mindanao noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Matatandaang ginulantang ng may lakas na magnitude 7.8 na lindol ang maraming lokal na residente at estudyante partikular sa Maasim, Sarangani, Soccsksargen, noong Lunes.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang mapaminsalang lindol sa naturang lugar bandang 7:37 ng umaga noon at naramdaman ito maging sa iba pang mga karatig-lugar o bayan.
Batay naman sa tala ang Department of Budget and Management (DBM) papalo sa salary grade 31 ang suweldo ng mga senador kung saan papalo ito mula ₱278,434 hanggang ₱318,306.
Sa naging pahayag naman ni Sen. Risa Hontiveros sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Hunyo 9, sinabi niyang tumitindig daw ang kanilang grupo sa mga nabiktima ng nasabing lindol.
“The Senate New Majority stands with the families and communities in Mindanao who are now facing the painful work of rescue, relief, rebuilding and recovery after the powerful earthquake,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Hontiveros.
Ani Hontiveros, personal daw nilang kontribusyon ang pagbibigay ng buong isang buwang suweldo ng lahat ng mga miyembro ng bagong Senate Majority bloc sa mga nasalanta ng lindol.
“As a personal contribution to the relief effort, members of the Senate New Majority are prepared to donate one month of our salary to help support affected communities,” aniya.
Diin ni Hontiveros, umaasa raw sila na makikiisa naman ang mga miyembro ng minority bloc, sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Alan Peter Cayetano, sa pagtulong na kanilang ikakasa para sa taumbayan.
“While this is a small contribution, we hope our colleagues in the Minority will join us in this effort. After all, we are senators of all Filipino people,” ‘ika niya.
Pagpapatuloy ni Hontiveros, ito raw ang pagkakataon para ipakita sa publiko ang hangaring makatulong ng Senado sa taumbayan.
“This is a moment when the Senate, whatever its internal divisions, can still speak through one act of shared compassion,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag ang sinomang miyembro ng minorya kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: GenSan, nasa ilalim na ng state of calamity