June 09, 2026

Home BALITA

Gabriel Go, bukas pumasok sa politika

Gabriel Go, bukas pumasok sa politika
Photo Courtesy: Gabriel Go (FB)

Naghayag ng interes si Gabriel Go na pumasok sa mundo ng politika matapos mausisa hinggil dito.

Si Go ang kasalukuyang chief ng Special Operations Group-Strike Force ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa ginanap na monthly balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) nitong Martes, Hunyo, 9, sinabi ni Go na naniniwala umano siya na mangyayari’t mangyayari ang isang bagay kung nakatakda talaga itong maganap. 

“Whether for a government position, an appointment, or any career growth, naniniwala ako na if it's meant to happen, it will happen,” saad ni Go.

Dagdag pa niya, “As I always say, I'm not closing any doors. But as of the moment, I have no plans for now.  If it’s meant to happen, mangyayari. So tulad po ng trabaho ko ngayon ‘no, I personally never expected to be in this position right now.“ 

National

Ateneo, nagluluksa sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili; magbibigay ng suporta, assistance sa pamilya

Ngunit ayon kay Go, kung loobin man ng tadhana, pambansang posisyon daw niya gustong kumandidato.

“Kasi mas malaki na ang sakop, e,” paliwanag niya. “As of the moment,  I’m handling the entire NCR [National Capital Region]. That is 16 cities and one municipality. So kung mabibigyan man tayo ng oportunidad to service more people, siyempre would go to a larger scale.” 

Matatandaang bukod sa pagiging chief ng SOG-SF ng MMDA,  kilala rin si Go sa mga ibinabahagi niyang video sa kaniyang social media platform kaugnay sa paninita at panghuhuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko.

Maki-Balita: ‘Ibahin n’yo ako!’ Gabriel Go, 'di pinalampas road violation ng VMX actress