Bumwelta si Senate President Alan Peter Cayetano sa magkapatid na Sen. Raffy at Sen. Erwin Tulfo matapos ang panawagan ng Senate minority bloc na magbitiw siya sa posisyon.
Matatandaang hinamon ni Sen. Raffy si Sen. Alan para ipakita ang tapang nito na magpakita sa Senado bukas, Hunyo 3.
Maki-Balita: Sen. Raffy kay SP Alan: 'Kung matapang ka, pumunta ka rito bukas!'
Ngunit sa panibagong Facebook live ni Sen. Alan nitong Martes, Hunyo 2, pinayuhan niya ang kabaro na maging propesyunal.
“This is not a radio or TV program. This is the Senate of the Philippines. So we have to be more professional,” saad ni Sen. Alan.
Dagdag pa niya, “E, kung hindi ka lang Tulfo at hindi rin Tulfo ang kapatid mong si Erwin, sinumbong ko na kayo kay Tulfo, e. 'Di ba?”
Nag-ugat ang panawagan ng Senate minority bloc na bumaba sa pwesto bilang Senate President si Sen. Alan dahil sa dalawang araw na hindi pagsipot ng majority bloc sa plenary session ng Mataas na Kapulungan.