Pinagkumpara ni Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan sina Sen. Imee Marcos at Sen. Risa Hontiveros.
Sa isang Facebook post ni Mela kamakailan, hinimay niya ang pagkakaiba ng dalawang senadora.
“Sen. Risa brings index cards and takes notes. While Imee brings fake news to the Senate. Sen. Risa collaborates and consults with her team. While Imee blames her team members for the video she presented — no accountability,” saad ni Mela.
Dagdag pa niya, “I’m proud to call Sen. Risa, ‘Senator.’ And I will choose to call Imee, ‘Imee’ because she doesn’t deserve the title.”
Matatandaang isa sa mga pinupuna ng mga kritiko ni Sen. Risa ay ang paggamit niya ng index card sa mga talumpati at debate sa Senado.
Depensa naman niya nang sumalang siya sa programang “Political Beat,” matagal na raw niyang ginagawa ang paggamit ng index card sa mga plenaryo at pagdinig.
Aniya, "Feeling ko kapag tatayo sa plenary or magsasalita sa hearing, dapat factual, dapat may accuracy or precision.”
Samantala, ipinalabas naman ni Sen. Imee noong Mayo 25 ang video na naglalaman tungkol sa umano’y planong Charter Change” o Cha-Cha ng kapuwa niya mga senador para hindi matuloy ang halalan sa 2028.
Dahil dito, inalmahan siya ng mga kabaro niya, dahilan para bawiin niya ang kaniyang video material.
Maki-Balita: Sen. Imee na-offend sa mga kapwa senador; sinabihan daw siyang sinungaling!