Dumating sa Senado ang defense team ni Vice President Sara Duterte para isumite ang kanilang tugon sa articles of impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, na nakalagay sa loob ng mga itim na maleta.
Sa pangunguna ng legal counsel na si Atty. Michael Poa, makikitang hila-hila ng mga kasamang abogado ang mga itim na maleta na kinalalagyan ng mga papeles na kanilang sagot sa impeachment complaints, na personal nilang dinala sa Senate of the Philippines building sa Pasay City nitong Hunyo 1, 2026.
Matatandaang binigyan lamang ng Senate Impeachment Court ang kampo ni Bise Presidente ng hindi lalagpas sa 10 araw upang pormal na sagutin ang mga akusasyon sa articles of impeachment. Ito ay matapos tanggapin ng Office of the Vice President ang writ of summons mula sa Senado.
Nahaharap ang Pangalawang Pangulo sa mga alegasyon ng maling paggamit ng public funds, unexplained wealth, at betrayal of public trust.
Matatandaang ang maleta ay sumisimbolo ngayon sa mga pinaglagyan ng mga umano'y kickback ng ilang mga politiko at personalidad sa flood control projects, gayundin din sa insertions ng national budget.
Maki-Balita: Dedma yarn? VP Sara, hanggang June 1 na lang para sagutin ang articles of impeachment!