June 01, 2026

Home BALITA National

PNP, 'no need' bumuo pa ng manhunt team vs Sen. Bato!

PNP, 'no need' bumuo pa ng manhunt team vs Sen. Bato!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., na hindi na raw nila kailangan pang bumuo ng karagdagang manhunt team para tugisin ang nagtatagong si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Sa naging pahayag ni Nartatez sa isinagawa nilang press conference nitong Lunes, Hunyo 1, 2026, dinahilan niyang may kasalukuyan na raw kasing manhunt group ang nagsasagawa ng operasyon para hanapin si Dela Rosa. 

“There is no need to create another manhunt team to track down Sen. Bato dela Rosa because existing na ‘yan,” pagsisimula niya. 

Ani Nartatez, patuloy pa rin daw sinusuyod ng pulisya ang lahat ng mga nakausap, address, at laging pinupuntahan ng naturang senador. 

“All possible leads, all information we are pursuing. The Philippine National Police are pursuing… whether ito ay kausap, known address, known whereabouts at lagi niyang pinupuntahan, kinakausap niya ay ating pinu-pursue,” aniya. 

National

'The President and the Vice President do not share the same views!'—Usec. Castro

Paliwanag ni Nartatez, naisumite na raw nila ang lahat ng kanilang mga tala at resulta ng kanilang naging imbestigasyon sa Department of Justice (DOJ) mula sa pananatili ni Dela Rosa sa Senado noong Mayo 12 hanggang makatakas ito sa mga awtoridad bandang 2:30 ng madaling-araw noong Mayo 14. 

“We have presented the timeline that is our investigation from May 12 to May 14 of 2:30 a.m. We have transmitted the records of investigation to the Department of Justice,” aniya. 

Paglilinaw pa niya, “When we say records of investigation, nandoon na po ‘yon lahat. The video, documented video meaning may affidavit diyan and saan nanggaling, records and documents [ay] nandyan na rin po. As well as the result of the laboratory or forensic activities coming from the forensic group.” 

Pagpapatuloy ni Nartatez, naghihintay at aalamin pa lang daw nila sa DOJ kung may kailangan silang sampahan ng kaso sa mga personalidad o senador na nasa Senado noong makaalis si Dela Rosa. 

“Ito po ay ini-forward natin sa Department of Justice for whatever case that deemed necessary kung puwedeng mag-file — whether criminal or administrative — to personalities who are there in the Senate,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Otits ni Sen. Padilla, Mao Aplasca, atbp., inisyuhan ng subpoena ng NBI!